Exodo 25:8-10
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
8 Ipagpagawa mo ako ng santuwaryo na titirhan kong kasama nila. 9 Ang santuwaryo at ang lahat ng kagamitang ilalagay roon ay gagawin mo ayon sa planong ibibigay ko sa iyo.
Ang Kaban ng Tipan(A)
10 “Gumawa kayo ng isang kaban na yari sa akasya: 1.1 metro ang haba, 0.7 metro ang luwang, at 0.7 metro ang taas.
Read full chapter
Exodo 25:8-10
Ang Biblia (1978)
8 At kanilang igawa ako ng (A)isang santuario; upang ako'y (B)makatahan sa gitna nila.
9 (C)Ayon sa lahat ng aking ipinakita sa iyo, sa anyo ng tabernakulo at sa anyo ng lahat ng kasangkapan niyaon ay gayon ninyo gagawin.
Ang bilin tungkol sa kaban.
10 (D)At sila'y gagawa ng isang kaban na kahoy na akasia: na may dalawang siko't kalahati ang haba niyaon, at may isang siko't kalahati ang luwang niyaon, at may isang siko't kalahati ang taas niyaon.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978