Exodo 19:17-19
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
17 Pinangunahan ni Moises ang mga tao papunta sa paanan ng bundok upang humarap sa Diyos. 18 Ang Bundok ng Sinai ay nababalot ng usok sapagkat bumabâ si Yahweh sa anyo ng apoy. Tumaas ang usok tulad ng usok ng isang pugon, at nayanig ang bundok. 19 Palakas nang palakas ang tunog ng tambuli. Nagsalita si Moises at sumagot sa kanya ang Diyos sa pamamagitan ng kulog.
Read full chapter
Exodo 19:17-19
Ang Biblia (1978)
17 (A)At inilabas ni Moises ang bayan sa kampamento upang salubungin ang Dios; at sila'y tumayo sa paanan ng bundok.
18 At ang buong bundok ng Sinai ay umuusok, sapagka't ang Panginoon ay bumaba sa ibabaw niyaon na (B)nasa apoy: (C)at ang usok niyaon ay napaiilanglang na parang usok ng isang hurno, (D)at ang buong bundok ay umuugang mainam.
19 At nang lumalakas ng lumalakas ang tunog ng pakakak ay nagsasalita si Moises, (E)at sinasagot siya ng Dios sa pamamagitan ng tinig.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
