Daniel 1:1-3
Ang Biblia (1978)
Si Daniel at ang kaniyang tatlong kaibigan ay hindi kumain ng pagkain ng hari.
1 Nang ikatlong taon ng paghahari ni Joacim na hari sa Juda, ay (A)dumating sa Jerusalem si Nabucodonosor na hari sa Babilonia, at kinubkob niya yaon.
2 At ibinigay ng Panginoon sa kaniyang kamay si Joacim na hari sa Juda, sangpu ng (B)bahagi ng mga kasangkapan ng bahay ng Dios; at ang mga yao'y (C)dinala niya sa lupain ng Sinar sa bahay ng kaniyang dios: (D)at ipinasok niya ang mga kasangkapan sa silid ng kayamanan ng kaniyang dios.
3 At ang hari ay nagsalita kay Aspenaz, na puno ng kaniyang mga bating, na siya'y magdala ng ilan sa mga anak ni Israel, sa makatuwid baga'y sa lahing hari at sa mga mahal na tao;
Read full chapter
Daniel 1:1-3
Ang Biblia, 2001
Ang Kasaysayan ni Daniel at ng Kanyang Tatlong Kaibigan
1 Nang(A) ikatlong taon ng paghahari ni Jehoiakim na hari ng Juda, dumating sa Jerusalem si Nebukadnezar na hari ng Babilonia at kinubkob iyon.
2 At(B) ibinigay ng Panginoon si Jehoiakim na hari ng Juda sa kanyang kamay, kabilang ang ilan sa mga kagamitan sa bahay ng Diyos. Ang mga ito ay dinala niya sa lupain ng Shinar sa bahay ng kanyang diyos, at inilagay niya ang mga kagamitan sa kabang-yaman ng kanyang diyos.
3 At inutusan ng hari si Aspenaz, na pinuno ng kanyang mga eunuko, na dalhin ang ilan sa mga Israelita na mula sa lahi ng hari at sa mga maharlika,
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
