Add parallel Print Page Options

Dahil sa mga ito, tatanggap ng parusa ng Diyos [ang mga taong ayaw pasakop sa kanya].[a] Kayo man ay namuhay din ayon sa mga pagnanasang iyon nang kayo ay pinaghaharian pa ng mga ito.

Ngunit ngayon, itakwil na ninyo ang lahat ng galit, poot, at sama ng loob. Iwasan na ninyo ang panlalait at malaswang pananalita.

Read full chapter

Footnotes

  1. 6 ang mga taong ayaw pasakop sa kanya: Sa ibang manuskrito’y hindi nakasulat ang mga salitang ito.

Dahil sa mga ito, ang poot ng Diyos ay dumarating sa mga suwail na anak.[a] Ganitong mga landas ang tinatahak ninyo noon, nang kayo'y namumuhay pa sa mga ito. Ngunit ngayon ay talikuran ninyo ang mga bagay tulad ng poot, galit, maruruming pag-iisip, paninirang-puri, at mahalay na pananalita mula sa inyong bibig.

Read full chapter

Footnotes

  1. Colosas 3:6 Sa ibang mga kasulatan walang mga suwail na anak.

Na dahil sa mga bagay na iyan ay dumarating (A)ang kagalitan ng Dios sa (B)mga anak ng pagsuway:

Na inyo ring nilakaran nang una, nang kayo'y nangabubuhay pa sa mga bagay na ito;

Datapuwa't ngayon ay (C)inyo namang layuan ang lahat ng mga ito: (D)galit, kapootan, paghihinala, panunungayaw, (E)mga salitang kahalay-halay na mula sa inyong bibig:

Read full chapter