Colosas 2:2-4
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
2 Ginagawa ko ito para palakasin ang loob ninyong lahat at pag-isahin kayo sa pag-ibig. Sa ganoon, malalaman at mauunawaan nʼyo nang lubos ang lihim na plano ng Dios tungkol kay Cristo. 3 Si Cristo ang pinagmumulan ng lahat ng karunungan at kaalaman.
4 Sinasabi ko sa inyo ang mga bagay na ito para hindi kayo malinlang ninuman sa pamamagitan ng magagaling nilang pangangatwiran.
Read full chapter
Colosas 2:2-4
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
2 Ito'y upang lumakas ang kanilang loob, at mabuklod sila sa pag-ibig, nang sa gayon ay makamtan nila ang lahat ng mga kayamanan na nagmumula sa buong katiyakan ng pagkaunawa, upang kanilang makilala ang hiwaga ng Diyos, samakatuwid ay si Cristo. 3 Sa kanya nakatago ang lahat ng mga kayamanan ng karunungan at kaalaman. 4 Sinasabi ko ito upang hindi kayo mailigaw ng sinuman sa pamamagitan ng mga nakabibighaning pangangatuwiran.
Read full chapterAng Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
