Apocalipsis 22:8-10
Ang Biblia, 2001
8 Akong si Juan ang nakarinig at nakakita ng mga bagay na ito. At nang aking marinig at makita, nagpatirapa ako upang sumamba sa harapan ng anghel na nagpakita sa akin ng mga bagay na ito.
9 Ngunit sinabi niya sa akin, “Huwag mong gawin iyan! Ako'y kapwa mo alipin at ng iyong mga kapatid na mga propeta, at ng mga tumutupad ng mga salita ng aklat na ito. Ang Diyos ang sambahin mo.”
10 At sinabi niya sa akin, “Huwag mong tatakan ang mga salita ng propesiya ng aklat na ito, sapagkat malapit na ang panahon.
Read full chapter
Pahayag 22:8-10
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
8 Akong si Juan ay nakarinig at nakakita sa mga bagay na ito. Matapos kong marinig at makita ang lahat, nagpatirapa ako upang sumamba sa harapan ng anghel na siyang nagpakita ng mga bagay na ito sa akin. 9 Ngunit sinabi niya sa akin, “Huwag mong gawin iyan! Ako'y kapwa mo lingkod at ng mga kapatid mong propeta, at ng mga sumusunod sa mga salita sa aklat na ito. Sa Diyos ka sumamba!”
10 At sinabi pa niya sa akin, “Huwag mong takpan ng tatak ang mga salita ng propesiya ng aklat na ito, sapagkat ang panahon ay malapit na.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
