Apocalipsis 11:8-10
Ang Biblia, 2001
8 At(A) ang kanilang mga bangkay ay hahandusay sa lansangan ng malaking lunsod, na sa espirituwal na pananalita ay tinatawag na Sodoma at Ehipto, na kung saan ipinako sa krus ang kanilang Panginoon.
9 Pagmamasdan ng mga tao mula sa mga bayan at mga angkan at mga wika at mga bansa ang kanilang mga bangkay sa loob ng tatlong araw at kalahati, at hindi ipahihintulot na ang kanilang mga bangkay ay mailibing.
10 At ang mga naninirahan sa ibabaw ng lupa ay magagalak tungkol sa kanila at magkakatuwa, at sila'y magpapalitan ng mga handog, sapagkat ang dalawang propetang ito ay nagpahirap sa mga naninirahan sa ibabaw ng lupa.
Read full chapter
Pahayag 11:8-10
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
8 (A) Ang kanilang mga bangkay ay ikakalat sa lansangan ng malaking lungsod, na sa pananalitang espirituwal ay Sodoma at Ehipto, kung saan ang kanilang Panginoon ay ipinako sa krus. 9 Sa loob ng tatlo't kalahating araw ay pagmamasdan ng mga taong mula sa mga bayan, mga lipi, mga wika, at mga bansa ang mga bangkay at hindi nila pahihintulutang mailibing ang mga ito. 10 Ang mga naninirahan sa lupa ay magagalak sa sinapit ng dalawang saksi. Magdiriwang sila at magpapalitan ng mga handog, sapagkat pinahirapan ng dalawang propetang ito ang mga naninirahan sa lupa.
Read full chapter
Revelation 11:8-10
New International Version
8 Their bodies will lie in the public square of the great city(A)—which is figuratively called Sodom(B) and Egypt—where also their Lord was crucified.(C) 9 For three and a half days some from every people, tribe, language and nation(D) will gaze on their bodies and refuse them burial.(E) 10 The inhabitants of the earth(F) will gloat over them and will celebrate by sending each other gifts,(G) because these two prophets had tormented those who live on the earth.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.

