Apocalipsis 11:15-17
Ang Biblia (1978)
15 At humihip (A)ang ikapitong anghel; at nagkaroon ng malalakas na tinig sa langit, at nagsasabi,
(B)Ang kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa (C)kaniyang Cristo: (D)at siya'y maghahari magpakailan kailan man.
16 At ang dalawangpu't apat na matatanda (E)na nakaupo sa kanikaniyang luklukan sa harapan ng Dios ay nangagpatirapa, at nangagsisamba sa Dios,
17 Na nangagsasabi,
Pinasasalamatan ka namin, Oh Panginoong Dios, na Makapangyarihan sa lahat, (F)na ikaw ngayon, at naging ikaw nang nakaraan; sapagka't hinawakan mo ang iyong dakilang kapangyarihan, at ikaw ay naghari.
Pahayag 11:15-17
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Ang Ikapitong Trumpeta
15 Pagkatapos, hinipan (A) ng ikapitong anghel ang kanyang trumpeta, at sa langit ay narinig ang malalakas na tinig na nagsasabi,
“Ang kaharian ng sanlibutan ay naging kaharian ng ating Panginoon
at ng kanyang Cristo,
at maghahari siya magpakailanman.”
16 At ang dalawampu't apat na matatanda na nakaupo sa kanilang trono sa harapan ng Diyos ay nagpatirapa at sumamba sa Diyos. 17 Wika nila,
“Salamat po, Panginoon naming Diyos na Makapangyarihan sa lahat,
na siyang ngayon, at noon,
sapagkat tinaglay mo ang iyong dakilang kapangyarihan
at nagsimula nang maghari.
Apocalipsis 11:15-17
Ang Biblia, 2001
Ang Ikapitong Trumpeta
15 At(A) hinipan ng ikapitong anghel ang kanyang trumpeta at nagkaroon ng malalakas na tinig sa langit na nagsasabi,
“Ang kaharian ng sanlibutan ay naging kaharian ng ating Panginoon
at ng kanyang Cristo,
at siya'y maghahari magpakailanpaman.”
16 At ang dalawampu't apat na matatanda na nakaupo sa kanya-kanyang trono sa harapan ng Diyos ay nagpatirapa at sumamba sa Diyos,
17 na nagsasabi,
“Pinasasalamatan ka namin, O Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat,
ang ngayon at ang nakaraan,
sapagkat kinuha mo ang iyong dakilang kapangyarihan,
at ikaw ay naghari.
Pahayag 11:15-17
Ang Dating Biblia (1905)
15 At humihip ang ikapitong anghel; at nagkaroon ng malalakas na tinig sa langit, at nagsasabi, Ang kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa kaniyang Cristo: at siya'y maghahari magpakailan kailan man.
16 At ang dalawangpu't apat na matatanda na nakaupo sa kanikaniyang luklukan sa harapan ng Dios ay nangagpatirapa, at nangagsisamba sa Dios,
17 Na nangagsasabi, Pinasasalamatan ka namin, Oh Panginoong Dios, na Makapangyarihan sa lahat, na ikaw ngayon, at naging ikaw nang nakaraan; sapagka't hinawakan mo ang iyong dakilang kapangyarihan, at ikaw ay naghari.
Read full chapter
Pahayag 11:15-17
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang Ikapitong Trumpeta
15 Nang patunugin ng ikapitong anghel ang kanyang trumpeta, may narinig akong malalakas na tinig mula sa langit na nagsasabi, “Maghahari na ngayon sa buong mundo ang ating Panginoon at ang Cristo na kanyang pinili. At maghahari siya magpakailanman.” 16 At ang 24 na namumuno na nakaupo sa mga trono nila ay lumuhod at sumamba sa Dios. 17 Sinabi nila,
“Panginoong Dios na makapangyarihan sa lahat,
kayo po ang Dios noon, at kayo rin ang Dios ngayon.
Nagpapasalamat kami sa inyo dahil ginamit nʼyo na ang inyong kapangyarihan,
at nagsimula na kayong maghari ngayon sa mundo.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
