Apocalipsis 1:16-18
Ang Biblia (1978)
16 At sa kaniyang kanang kamay ay may pitong bituin: at sa kaniyang bibig ay lumabas ang isang matalas na tabak na may dalawang talim: at ang kaniyang mukha ay gaya ng araw na sumisikat ng matindi.
17 At (A)nang siya'y aking makita, ay nasubasob akong waring patay sa kaniyang paanan. At (B)ipinatong niya sa akin ang kaniyang kanang kamay, na sinasabi, Huwag kang matakot; (C)ako'y ang una at ang huli,
18 At ang Nabubuhay; at ako'y namatay, at narito, ako'y nabubuhay magpakailan man, at (D)nasa akin ang mga susi ng (E)kamatayan at ng Hades.
Read full chapter
Pahayag 1:16-18
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
16 Ang kanang kamay niya'y may hawak na pitong bituin, at mula sa kanyang bibig, lumabas ang isang matalas na tabak na dalawa ang talim, at ang mukha niya'y tulad ng araw na matinding sumisikat.
17 Nang makita (A) ko siya, bumulagta akong parang patay sa kanyang paanan. Ipinatong niya ang kanyang kamay sa akin at sinabi, “Huwag kang matakot; Ako ang una at ang huli, 18 at ang nabubuhay! Ako'y namatay, ngunit tingnan mo, ako ay buhay magpakailanpaman. Hawak ko ang mga susi ng kamatayan at ng Hades.[a]
Read full chapterFootnotes
- Pahayag 1:18 o daigdig ng mga patay.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
