Add parallel Print Page Options

Ang matanda, kay Gayo na minamahal, na aking iniibig sa katotohanan.

Minamahal, aking idinadalangin na sa lahat ng mga bagay ay guminhawa ka at bumuti ang iyong katawan, na gaya ng pagginhawa ng iyong kaluluwa.

Sapagka't ako'y totoong nagalak nang magsidating ang mga kapatid at mangagpatotoo sa iyong katotohanan, ayon sa paglakad mo sa katotohanan.

Read full chapter

Panimula

Mula sa matanda, para sa minamahal kong Gayo, na aking minamahal ayon sa katotohanan.

Mahal kong kapatid, dalangin ko nawa'y nasa mabuti kang kalagayan at malusog ang iyong pangangatawan, kung paanong mabuti rin ang kalagayan ng iyong kaluluwa. Galak na galak ako nang dumating ang ilan sa mga kapatid at nagpatotoo sa iyong katapatan sa katotohanan, tulad ng iyong pamumuhay ayon sa katotohanan.

Read full chapter