Add parallel Print Page Options

Mga Huling Pangungusap ni David

23 Ginawang dakila ng Diyos si David, anak ni Jesse. Siya ang lalaking pinili ng Diyos ni Jacob upang maging hari. Siya rin ang may-akda ng magagandang awit para sa Israel. Ito ang kanyang mga huling pangungusap:

“Nagsasalita sa pamamagitan ko ang Espiritu[a] ni Yahweh,
    ang salita niya'y nasa aking mga labi.
Nagsalita ang Diyos ng Israel,
    ganito ang sinabi niya sa akin:
‘Ang haring namamahalang may katarungan
    at namumunong may pagkatakot sa Diyos,
ay tulad ng araw sa pagbukang-liwayway,
    parang araw na sumisikat kung umagang walang ulap,
    at nagpapakislap sa dahon ng damo pagkalipas ng ulan.’

“Gayon pagpapalain ng Diyos ang aking sambahayan,
    dahil sa aming tipan na walang katapusan,
    kasunduang mananatili magpakailanman.
Siya ang magbibigay sa akin ng tagumpay,
    ano pa ang dapat kong hangarin?
Ngunit ang mga walang takot sa Diyos ay matutulad sa mga tinik na itinatapon.
    Walang mangahas dumampot sa kanila;
at upang sila'y ipunin, kailangan ang kasangkapang bakal.
    Kapag naipon naman, sila'y tutupukin.”

Mga Magigiting na Kawal ni David(A)

Ito ang mga pangalan ng mga magigiting na kawal ni David: ang una'y si Yosev-basevet na taga-Taquemon. Siya ang pinuno ng pangkat na kung tawagi'y “Ang Tatlo.” Sa isang labanan, nakapatay siya ng 800 kalaban sa pamamagitan lamang ng kanyang sibat.

Ang pangalawa'y si Eleazar na anak ni Dodo, mula sa lahi ni Ahohi. Siya ang kasama ni David sa Pas-dammim nang sila'y lusubin ng mga Filisteo. Natalo ang mga Israelita, at nagsiatras, 10 liban kay Eleazar. Hinarap niyang mag-isa ang mga Filisteo hanggang sa manigas ang kanyang kamay sa paghawak sa espada. Ngunit pinagtagumpay siya ni Yahweh nang araw na iyon. Pagkatapos ng labanan, saka pa lamang bumalik ang kanyang mga kasamang kawal para samsaman ang mga kaaway na napatay niya.

11 Ang pangatlo ay si Samma na anak ni Age, isang taga-Arar. Sa Lehi ay may isang bukid na may tanim na gisantes. Dumating ang mga Filisteo at doon nagtipon. Natakot ang mga tagaroon at sila'y tumakas. 12 Ngunit dumating si Samma, at tumayo sa gitna ng bukid upang ipagtanggol ito. Napatay niya ang mga Filisteo sa tulong ni Yahweh.

13 Pagsisimula ng anihan, tatlo sa “Magigiting na Tatlumpu” ang nagpunta kay David sa yungib ng Adullam. Nagkakampo noon ang isang pangkat ng mga Filisteo sa Libis ng Refaim. 14 Nang panahong iyon, si David ay nagkukubli sa isang kuta samantalang nagkakampo sa Bethlehem ang mga kawal na Filisteo. 15 Dala ng matinding pananabik, nabigkas ni David ang ganito, “Sana'y makainom ako ng tubig buhat sa balon sa may pintuang-bayan ng Bethlehem!” 16 Nang marinig nila iyon, nangahas silang lumusot sa mga bantay na Filisteo, at kumuha ng tubig sa balong nabanggit. Dinala nila ito kay David, ngunit hindi niya ito ininom. Sa halip, ang tubig ay ibinuhos niya sa lupa bilang handog kay Yahweh. 17 Sinabi niya, “Hindi ko ito kayang inumin, Yahweh! Para ko na ring iinumin ang dugo ng mga nagtaya ng kanilang buhay upang makuha ito.” Minsan pang nakilala ang tapang ng tatlong magigiting na kawal na ito sa ginawa nilang iyon.

18 Ang pinuno ng pangkat na binubuo ng “Tatlumpu” ay si Abisai, kapatid ni Joab na anak naman ni Zeruias. Kinikilala siya ng mga ito sapagkat minsa'y pinuksa niya sa pamamagitan lamang ng sibat ang 300 kaaway. 19 Ito ang dahilan kaya ginawa siyang pinuno ng pangkat, ngunit kahit kinikilala siya sa tatlumpu, hindi pa rin siya kasintanyag ng “Tatlong Magigiting.”

20 Si Benaias na anak ni Joiadang taga-Kabzeel ay isa ring magiting na kawal sa maraming pakikipaglaban. Siya ang pumatay sa dalawang lalaki na ipinagmamalaki ng Moab. Minsan, nang panahong madulas ang lupa dahil sa yelo, lumusong siya sa balon at pinatay ang isang leon na naroon. 21 Siya rin ang pumatay sa isang higanteng Egipcio, kahit ang sandata niya'y isa lamang pamalo. Naagaw niya ang sibat ng Egipcio, at iyon na ang ipinampatay rito. 22 Iyan ang kasaysayan ng bantog na si Benaias, ang labis na hinahangaan at kaanib ng “Tatlumpu.” 23 Sa pangkat na ito, siya ay talagang kinikilala, ngunit hindi pa rin siya kasintanyag ng grupong “Ang Tatlo.” Dahil sa kanyang tapang, ginawa siyang sariling bantay ni David sa kanyang palasyo.

24 Ang iba pang kabilang sa pangkat ng “Tatlumpu” ay si Asahel na kapatid ni Joab; si Elhanan na anak ni Dodo na taga-Bethlehem; 25 si Samma na isang Harodita; si Elica na Harodita rin; 26 si Helez na isang Peleteo; si Ira na anak ni Ekis na taga-Tekoa; 27 si Abiezer na taga-Anatot; si Mebunai na taga-Husa; 28 si Zalmon na taga-Aho; si Maharai na taga-Netofa; 29 si Heleb, anak ni Baana, taga-Netofa rin; si Itai, anak ni Ribai na taga-Gibea sa lupain ng Benjamin; 30 si Benaias na taga-Piraton; si Hidai na buhat sa mga libis ng Gaas; 31 si Abi-albon na taga-Araba; si Azmavet na taga-Bahurim; 32 si Eliaba na taga-Saalbon; si Jasen na taga-Gimzo: 33 si Jonatan, anak ni Samma, taga-Arar; si Ahiam, anak ni Sarar, taga-Arar din; 34 si Elifelet, anak ni Ahasbai, taga-Maaca; si Eliam na anak ni Ahitofel na taga-Gilo; 35 si Hezrai na taga-Carmel; si Paarai na taga-Arab; 36 si Igal na anak ni Natan, taga-Soba; si Bani na mula sa Gad; 37 si Selec na taga-Ammon; si Naharai na taga-Beerot, tagapagdala ng kasuotang pandigma ni Joab na anak ni Zeruias; 38 sina Ira at Jareb na taga-Jatir; 39 at si Urias na Heteo. May tatlumpu't pitong magigiting na kawal si David.

Footnotes

  1. 2 Samuel 23:2 Espiritu: o kaya'y kapangyarihan .
'2 Samuel 23 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Mga huling awit ni David.

23 Ito nga ang mga huling salita ni David.
Sinabi ni (A)David na anak ni Isai,
At sinabi ng (B)lalake na pinapangibabaw,
Na (C)pinahiran ng langis ng Dios ni Jacob,
At kalugodlugod na mangaawit sa Israel:
(D)Ang Espiritu ng Panginoon ay nagsalita sa pamamagitan ko,
At ang kaniyang salita ay suma aking dila.
Sinabi ng Dios ng Israel,
Ang (E)malaking bato ng Israel ay nagsalita sa akin:
Ang naghahari (F)sa mga tao na may katuwiran,
Na mamamahala sa katakutan sa Dios,
Siya'y magiging gaya ng liwanag sa kinaumagahan pagka ang araw ay sumisikat,
Sa isang umagang walang mga alapaap;
Pagka ang malambot na damo ay sumisibol sa lupa,
Sa maliwanag na sikat pagkatapos ng ulan.
Katotohanang ang aking sangbahayan ay hindi gayon sa Dios;
Gayon ma'y (G)nakipagtipan siya sa akin ng isang tipang walang hanggan,
Maayos sa lahat ng mga bagay, at maasahan:
Sapagka't siyang aking buong kaligtasan, at buong nasa.
Bagaman hindi niya pinatubo.
Nguni't ang mga di banal ay ipaghahagis na gaya ng mga tinik,
Sapagka't hindi nila matatangnan ng kamay:
Kundi ang lalake na humipo sa kanila,
Marapat magsakbat ng bakal at ng puluhan ng sibat;
At sila'y lubos na susunugin ng apoy sa kanilang kinaroroonan.

Ang mga bantog na lalaki ni David.

(H)Ito ang mga pangalan ng mga makapangyarihang lalake na nasa kay David: Si Josebbasebet na (I)Tachemonita, na pinuno ng mga kapitan; na siya ring si Adino na Eznita, na siyang dumaluhong laban sa walong daan na nangapatay ng paminsan.

At pagkatapos niya'y si (J)Eleazar, na anak ni Dodo, na anak ng isang Ahohita, na isa sa tatlong malalakas na lalake na kasama ni David, nang sila'y mangakipagaway sa mga Filisteo, na nangapipisan doon upang makipagbaka, at ang mga lalake ng Israel ay nagsialis:

10 Siya'y bumangon, at sinaktan ang mga Filisteo hanggang sa ang kaniyang kamay ay nangalay, at ang kaniyang kamay ay nadikit sa tabak: at ang Panginoo'y gumawa ng dakilang pagtatagumpay sa araw na yaon: at ang bayan ay bumalik na kasunod niya, upang manamsam lamang.

11 At pagkatapos niya'y si (K)Samma na anak ni Age, na Araita. At ang mga Filisteo ay nagpipisan sa isang pulutong, na kinaroroonan ng isang putol na lupa sa puno ng lentehas; at tinakasan ng bayan ang mga Filisteo.

12 Nguni't siya'y tumayo sa gitna ng putol na yaon, at ipinagsanggalang niya, at pinatay ang mga Filisteo: at ang Panginoo'y gumawa ng dakilang pagtatagumpay.

13 At (L)tatlo sa tatlong pung pinuno ay nagsilusong at nagsiparoon kay David sa pagaani sa (M)yungib ng Adullam; at ang pulutong ng mga Filisteo ay nagsihantong sa (N)libis ng Rephaim.

14 At si David nga'y nasa (O)katibayan, at ang (P)pulutong nga ng mga Filisteo ay nasa Beth-lehem.

15 At nagnais si David, at nagsabi, Oh may magbigay sana sa akin ng tubig sa balon ng Beth-lehem, na nasa tabi ng pintuang-bayan!

16 At ang tatlong malalakas na lalake ay nagsisagasa sa hukbo ng mga Filisteo, at nagsiigib ng tubig sa balon ng Beth-lehem, na nasa siping ng pintuang bayan, at kinuha, at dinala kay David: nguni't hindi niya ininom yaon, kundi kaniyang ibinuhos na handog sa Panginoon.

17 At kaniyang sinabi, Malayo sa akin, Oh Panginoon, na aking gawin ito: (Q)iinumin ko ba ang dugo ng mga lalake na nagsiparoon na ipinain ang kanilang buhay? kaya't hindi niya ininom. Ang mga bagay na ito ay ginawa ng tatlong malalakas na lalake.

18 At si Abisai, na kapatid ni Joab, na anak ni Sarvia, ay pinuno ng tatlo. At kaniyang itinaas ang kaniyang sibat laban sa tatlong daan at pinatay niya sila, at nagkapangalan sa tatlo.

19 Hindi ba siya ang lalong marangal sa tatlo? kaya't siya'y ginawang punong kawal nila: gayon ma'y hindi siya umabot sa unang tatlo.

20 At si (R)Benaia, na anak ni Joiada, na anak ng matapang na lalake na taga Cabseel, na gumawa ng makapangyarihang gawa, na kaniyang pinatay ang dalawang anak ni Ariel na taga Moab; siya'y lumusong din at pumatay ng isang leon sa gitna ng isang hukay sa kapanahunan ng niebe.

21 At siya'y pumatay ng isang taga Egipto na malakas na (S)lalake: at ang taga Egipto ay may sibat sa kaniyang kamay; nguni't siya'y nilusong niyang may tungkod, at inagaw niya ang sibat sa kamay ng taga Egipto, at pinatay niya siya ng kaniyang sariling sibat.

22 Ang mga bagay na ito ay ginawa ni Benaias, na anak ni Joiada, at nagkapangalan sa tatlong malalakas na lalake.

23 Siya'y marangal kay sa tatlongpu, nguni't sa unang tatlo'y hindi siya umabot. (T)At inilagay ni David siya sa kaniyang bantay.

24 At si (U)Asael na kapatid ni Joab ay isa sa tatlongpu; si Elhaanan na anak ni Dodo, na taga Beth-lehem,

25 Si Samma na Harodita, si Elica na Harodita,

26 Si Heles na Paltita, si Hira na anak ni Jecces na Tecoita.

27 Si Abiezer na Anathothita, si Mebunai na Husatita,

28 Si Selmo na Hahohita, si Maharai na Netophathita,

29 Si Helec na anak ni Baana, na Netophathita, si Ithai na anak ni Ribai, na taga Gabaa, sa mga anak ng Benjamin.

30 Si Benaia na Pirathonita, si Hiddai sa mga batis ng Gaas,

31 Si Abi-albon na Arbathita, si Azmaveth na Barhumita,

32 Si Eliahba na Saalbonita, ang mga anak ni Jassen, si Jonathan,

33 Si Samma na Ararita, si Ahiam na anak ni Sarar, na Ararita,

34 Si Elipheleth na anak ni Asbai, na anak ni Maachateo, si (V)Eliam na anak ni Achitophel na Gelonita,

35 Si Hesrai na Carmelita, si Pharai na Arbita;

36 Si Igheal na anak ni Nathan na taga Soba, si Bani na Gadita,

37 Si Selec na Ammonita, si Naharai na Beerothita, na mga tagadala ng sandata ni Joab na anak ni Sarvia;

38 Si (W)Ira na Ithrita, si Gareb na Ithrita,

39 Si (X)Uria na Hetheo: silang lahat ay tatlong pu't pito.