Add parallel Print Page Options

Nilusob ng Egipto ang Juda(A)

12 Nang maging matatag na ang paghahari ni Rehoboam, tinalikuran niya at ng buong Israel ang Kautusan ni Yahweh. Subalit nang ikalimang taon ng paghahari ni Rehoboam, sapagkat hindi sila naging tapat kay Yahweh, sinalakay ni Shishak, hari ng Egipto, ang Jerusalem. Ang hukbo ni Shishak ay binubuo ng 1,200 karwahe, 60,000 mangangabayo at di mabilang na mga tauhan pati mga taga-Libya, taga-Sukuim at taga-Etiopia. Nakuha niya ang mga may pader na lunsod ng Juda at nakaabot siya hanggang Jerusalem.

Dahil sa pananalakay ni Shishak, ang mga pinuno ng Israel ay nagtipon sa Jerusalem kasama ni Rehoboam. Dumating naman ang propetang si Semaias at sinabi sa kanila: “Ganito ang ipinapasabi ni Yahweh: ‘Pinabayaan ninyo ako, kaya pinabayaan ko rin kayong mahulog sa kamay ni Shishak.’”

Pagkarinig niyon, nagpakumbaba ang hari at ang mga pinuno ng Israel at sinabi nila: “Makatarungan si Yahweh.”

Nakita ni Yahweh ang kanilang pagpapakumbaba, kaya sinabi niya kay Semaias: “Nagpakumbaba na sila, kaya hindi ko na sila lilipulin. Ililigtas ko sila sa lubos na kapahamakan at hindi ko na ibubuhos ang aking galit sa Jerusalem sa pamamagitan ni Shishak. Gayunman, sila'y masasakop nito upang malaman nila kung alin ang higit na mabuti: ang maglingkod sa akin o ang maglingkod sa mga hari sa lupa.”

Sinalakay(B) ni Haring Shishak ng Egipto ang Lunsod ng Jerusalem at sinamsam ang mga kayamanan sa Templo ni Yahweh at sa palasyo ng hari. Kinuha niya ang lahat, pati ang mga gintong kalasag na ipinagawa ni Solomon. 10 Pinapalitan ni Rehoboam ang mga iyon ng kalasag na tanso. Pinaingatan niya ang nasabing mga panangga sa pinuno ng mga bantay ng palasyo. 11 Tuwing pupunta sa Templo ang hari, inilalabas nila ang mga kalasag at pagkatapos ay ipinababalik sa silid ng mga bantay. 12 Sapagkat nagpakumbaba si Rehoboam, hindi ganap na ibinuhos ng Diyos ang galit nito sa kanya. Hindi sila nalipol nang tuluyan at naging matiwasay na ang kalagayan ng Juda.

Ang Buod ng Kasaysayan ng Paghahari ni Rehoboam

13 Naging matatag ang paghahari ni Rehoboam sa Jerusalem. Apatnapu't isang taóng gulang siya nang magsimulang maghari at labimpitong taon siyang naghari sa Jerusalem, ang lunsod na pinili ni Yahweh sa lahat ng lipi ng Israel upang doon siya sambahin. Ang kanyang ina ay si Naama, na isang Ammonita. 14 Naging masama siya sapagkat hindi niya sinunod ang kalooban ni Yahweh.

15 Ang mga ginawa ni Rehoboam buhat sa simula hanggang sa wakas, ay nakasulat sa Kasaysayan ng propetang si Semaias at sa Kasaysayan ng propetang si Iddo. Patuloy ang digmaan nina Jeroboam at Rehoboam sa buong panahon ng paghahari nila. 16 Nang mamatay si Rehoboam, inilibing siya sa Lunsod ni David at si Abias na anak niya ang humalili sa kanya bilang hari.

Egypt Plunders Jerusalem

12 (A)When the rule of Rehoboam was established (B)and he was strong, (C)he abandoned the law of the Lord, and all Israel with him. (D)In the fifth year of King Rehoboam, because they had been unfaithful to the Lord, (E)Shishak king of Egypt came up against Jerusalem with 1,200 chariots and 60,000 horsemen. And the people were without number who came with him from Egypt—(F)Libyans, Sukkiim, and Ethiopians. And he took (G)the fortified cities of Judah and came as far as Jerusalem. Then (H)Shemaiah the prophet came to Rehoboam and to the princes of Judah, who had gathered at Jerusalem because of Shishak, and said to them, “Thus says the Lord, (I)‘You abandoned me, so I have abandoned you to the hand of Shishak.’” Then the princes of (J)Israel and the king humbled themselves and said, (K)“The Lord is righteous.” When the Lord saw that they humbled themselves, the word of the Lord came to Shemaiah: (L)“They have humbled themselves. I will not destroy them, but I will grant them some deliverance, (M)and my wrath shall not be poured out on Jerusalem by the hand of Shishak. Nevertheless, they shall be servants to him, (N)that they may know my service and the service of the kingdoms of the countries.”

(O)So Shishak king of Egypt came up against Jerusalem. He took away the treasures of the house of the Lord and the treasures of the king's house. He took away everything. He also took away (P)the shields of gold that Solomon had made, 10 and King Rehoboam made in their place shields of bronze and committed them to the hands of the officers of the guard, who kept the door of the king's house. 11 And as often as the king went into the house of the Lord, the guard came and carried them and brought them back to the guardroom. 12 And when (Q)he humbled himself the wrath of the Lord turned from him, so as not to make a complete destruction. Moreover, (R)conditions were good[a] in Judah.

13 (S)So King Rehoboam grew strong in Jerusalem and reigned. Rehoboam was forty-one years old when he began to reign, and he reigned seventeen years in Jerusalem, the city that the Lord had chosen out of all the tribes of Israel to put his name there. His mother's name was Naamah the Ammonite. 14 And he did evil, (T)for he did not set his heart to seek the Lord.

15 (U)Now the acts of Rehoboam, (V)from first to last, are they not written in the chronicles of (W)Shemaiah the prophet and of (X)Iddo (Y)the seer?[b] There were continual wars between Rehoboam and Jeroboam. 16 And Rehoboam slept with his fathers and was buried in the city of David, and (Z)Abijah[c] his son reigned in his place.

Footnotes

  1. 2 Chronicles 12:12 Hebrew good things were found
  2. 2 Chronicles 12:15 After seer, Hebrew adds according to genealogy
  3. 2 Chronicles 12:16 Spelled Abijam in 1 Kings 14:31