Add parallel Print Page Options

Nagsasalita ako hindi ayon sa utos kundi sa pamamagitan ngpagsusumigasig ng iba at sa pagsubok sa katapatan ng inyong pag-ibig. Ito ay sapagakat alam ninyo ang biyaya ng ating Panginoong Jesucristo. Alam ninyo na kahit na mayaman siya alang-alang sa inyo, siya ay naging mahirap. Ito ay upang sa pamamagitan ng kaniyang kahirapan kayo ay maging mayaman.

10 Ito ang payo ko sa inyo sa bagay na ito. Kayo ang nagpasimula noong nakaraang taon, hindi lamang dahil kayoay handa kundi dahil kayo ay may kusa sa pagbibigay.

Read full chapter

Hindi sa inuutusan ko kayo, ngunit nais kong subukin ang katapatan ng inyong pag-ibig sa pamamagitan ng kasabikan ng iba na tumulong. Sapagkat nalalaman ninyo ang biyaya ng ating Panginoong Jesu-Cristo, na kahit siya'y mayaman, naging dukha siya alang-alang sa inyo, upang kayo sa pamamagitan ng kanyang kahirapan ay maging mayaman. 10 At tungkol dito'y ito ang maipapayo ko: pinakamabuti para sa inyo ngayon na tapusin ang sinimulan ninyo nang nakaraang taon, hindi lamang ang paggawa kundi ang pagnanais sa inyong gagawin.

Read full chapter