Add parallel Print Page Options

Bukod dito, mga kapatid, ay ipinatatalastas namin sa inyo ang biyaya ng Dios na ipinagkaloob sa mga iglesia ng Macedonia;

Kung paanong sa maraming pagsubok sa kapighatian ang kasaganaan ng kanilang katuwaan at ang kanilang malabis na karukhaan ay sumagana sa kayamanan ng kanilang kagandahang-loob.

Sapagka't ayon sa kanilang kaya, ay nagpapatotoo ako at higit pa sa kanilang kaya, ay nagsiabuloy sila sa sariling kalooban,

Read full chapter

Ang Bukas-Palad na Pagbibigay

Ngayon naman, (A) nais naming malaman ninyo, mga kapatid, ang tungkol sa biyaya ng Diyos na ibinigay sa mga iglesya ng Macedonia. Bagama't dumaranas sila ng napakatinding pagsubok at halos nakalubog sa kahirapan, sila'y may nag-uumapaw na kagalakang namahagi ng yaman ng kanilang kagandahang-loob. Ako ay makapagpapatunay na sila ay kusang-loob na nagbigay ayon sa kanilang kakayahan, at kahit higit pa sa kanilang kakayahan.

Read full chapter