2 Corinto 13:8-10
Ang Biblia (1978)
8 Sapagka't kami'y walang anomang magagawang laban sa katotohanan, kundi ayon sa katotohanan.
9 Sapagka't kami'y natutuwa (A)kung kami'y mahihina, at kayo'y malalakas: at (B)ito naman ang idinadalangin namin, sa makatuwid baga'y ang inyong pagkasakdal.
10 Dahil dito'y (C)sinusulat ko ang mga bagay na ito samantalang ako'y wala sa harapan, upang kung nasa harapan ay huwag akong gumamit ng kabagsikan, ayon sa kapamahalaang ibinibigay sa akin ng Panginoon sa ikatitibay, at hindi sa ikagigiba.
Read full chapter
2 Corinto 13:8-10
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
8 Sapagkat wala kaming magagawang anuman laban sa katotohanan, kundi tanging para sa katotohanan. 9 Natutuwa kami kung kami'y mahihina ngunit kayo nama'y malalakas. Idinadalangin nga namin ang inyong pag-unlad. 10 Kaya't isinusulat ko ang mga bagay na ito habang ako'y wala pa sa inyo, upang pagpunta ko sa inyo ay hindi ko na kailangang maging mabagsik sa paggamit ko ng kapangyarihang ibinigay sa akin ng Panginoon upang patatagin kayo, at hindi upang wasakin.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
