2 Corinto 11:13-15
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
13 Ang mga iyan ay mga huwad na apostol, madadayang manggagawa at nagpapanggap na mga apostol ni Cristo. 14 Hindi ito kataka-taka sapagkat si Satanas man ay nagkukunwaring anghel ng liwanag. 15 Kaya, hindi kataka-taka na ang kanyang mga lingkod ay magkunwaring lingkod ng katuwiran. Ang kanilang kahihinatnan ay ayon lamang sa kanilang mga gawa.
Read full chapter
2 Corinto 11:13-15
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
13 Sapagkat ang gayong mga tao ay mga huwad na apostol, mga mandarayang manggagawa, nagpapanggap na mga apostol ni Cristo. 14 At hindi kataka-taka! Sapagkat si Satanas man ay nagpapanggap na isang anghel ng liwanag. 15 Kaya't hindi malayong mangyari na ang kanyang mga lingkod ay magpanggap na mga lingkod ng katwiran. Ang kanilang wakas ay magiging ayon sa kanilang mga gawa.
Read full chapter
2 Corinto 11:13-15
Ang Biblia (1978)
13 Sapagka't ang mga gayong tao (A)ay mga bulaang apostol, mga magdarayang (B)manggagawa, na nangagpapakunwaring mga apostol ni Cristo.
14 At hindi katakataka: sapagka't si Satanas (C)man ay nagpapakunwaring anghel ng kaliwanagan.
15 Hindi malaking bagay nga na ang kaniyang mga ministro naman ay magpakunwari na waring (D)ministro ng katuwiran; (E)na ang kanilang wakas ay masasangayon sa kanilang mga gawa.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
