Add parallel Print Page Options

Sapagkat hindi namin ibig mga kapatid, na hindi ninyo malaman ang aming mga paghihirap na nangyari sa Asya. Kami ay nabigatan nang higit sa aming lakas, kaya kami ay nawalan ng pag-asa maging sa aming buhay. Ang hatol ng kamatayan ay sa aming mga sarili upang hindi na kami magtiwala sa aming mga sarili kundi sa Diyos na nagbabangon sa mga patay. 10 Ang Diyos ang siyang nagligtas sa amin sa malagim na kamatayan at patuloy na nagliligtas. Sa kaniya ay may pag-asa kami na patuloy siyang magliligtas.

Read full chapter

Nais (A) naming malaman ninyo, mga kapatid, ang tungkol sa mga paghihirap na sinapit namin sa Asia. Sapagkat napakabigat ang aming naranasan doon na halos hindi namin nakaya, anupa't nawalan kami ng pag-asang mabuhay. Ngunit kami mismo ang tumanggap ng hatol na kamatayan, upang kami ay huwag magtiwala sa aming sarili, kundi sa Diyos na bumubuhay sa mga patay. 10 Siya na nagligtas sa amin mula sa gayong tiyak na kamatayan ang patuloy na magliligtas sa amin. Umaasa kami na patuloy pa niya kaming ililigtas,

Read full chapter