2 Corinto 1:10-12
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
10 Iniligtas niya kami sa malagim na kamatayan, at patuloy niya kaming ililigtas. At umaasa kami na patuloy niyang gagawin ito 11 sa tulong ng inyong mga panalangin. Sa ganoon, marami ang magpapasalamat sa Dios dahil sa mga pagpapalang tatanggapin namin mula sa kanya bilang sagot sa mga panalangin ng marami.
Nagbago ng Plano si Pablo
12 Isang bagay ang maipagmamalaki namin: Namumuhay kaming matuwid at tapat sa harap ng lahat ng tao, lalung-lalo na sa inyo. Nagawa namin ito hindi sa pamamagitan ng karunungan ng mundo kundi dahil sa biyaya ng Dios. At pinatutunayan ng aming konsensya na talagang totoo itong aming ipinagmamalaki.
Read full chapter
2 Corinto 1:10-12
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
10 Siya na nagligtas sa amin mula sa gayong tiyak na kamatayan ang patuloy na magliligtas sa amin. Umaasa kami na patuloy pa niya kaming ililigtas, 11 habang tinutulungan ninyo kami sa pamamagitan ng inyong panalangin para sa amin. Sa gayon ay maraming tao ang magpapasalamat dahil sa mga biyayang ibinigay sa amin bilang kasagutan sa maraming panalangin.
Pagpapaliban ng Pagdalaw ni Pablo
12 Sapagkat ito ang aming maipagmamalaki: nagpapatotoo ang aming budhi na ang pamumuhay namin sa sanlibutan, at lalo na sa inyo ay may kalinisan at katapatang mula sa Diyos, hindi ayon sa makamundong karunungan, kundi sa biyaya ng Diyos.
Read full chapterAng Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
