1 Timoteo 4:8-10
Ang Biblia, 2001
8 sapagkat ang pagsasanay sa katawan ay may kaunting pakinabang subalit ang kabanalan ay may kapakinabangan sa lahat ng bagay, na may pangako sa buhay na ito at sa darating.
9 Tapat ang salita at nararapat tanggapin nang lubos.
10 Sapagkat dahil dito ay nagpapagal kami at nagsisikap,[a] sapagkat nakalagak ang aming pag-asa sa Diyos na buháy, na siyang Tagapagligtas ng lahat ng tao, lalo na ng mga nananampalataya.
Read full chapterFootnotes
- 1 Timoteo 4:10 Sa ibang mga kasulatan ay nagtitiis ng kahihiyan .
1 Timoteo 4:8-10
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
8 Mahalaga ang pagpapalakas ng katawan, ngunit higit ang pakinabang sa banal na pamumuhay. Mapapakinabangan ito sa lahat ng bagay sapagkat may pangako ito hindi lamang sa buhay ngayon, kundi maging sa panahong darating. 9 Mapagkakatiwalaan ang salitang ito at nararapat tanggapin ng lahat. 10 Dahil dito, tayo'y nagsisikap at nagpupunyagi, at umaasa sa buháy na Diyos, ang tagapagligtas ng lahat, lalo na ng mga sumasampalataya.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
