1 Timoteo 2:8-10
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
8 Gusto kong sa lahat ng pagtitipon-tipon[a] ay manalangin ang mga lalaki nang may malinis na kalooban, na sa pagtaas nila ng kamay sa pananalangin ay walang galit o pakikipagtalo. 9 Gusto ko rin na maging maayos at marangal ang mga babae sa pananamit nila, at iwasan ang labis na pag-aayos ng buhok at pagsusuot ng mga alahas o mamahaling damit. 10 Sa halip, magpakita sila ng mabubuting gawa na nararapat sa mga babaeng sumasampalataya sa Dios.
Read full chapterFootnotes
- 2:8 lahat ng pagtitipon-tipon: o, lahat ng lugar.
1 Timoteo 2:8-10
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
8 Ibig kong ang mga lalaki sa lahat ng dako ay manalangin nang may malinis na puso,[a] walang sama ng loob at galit sa kapwa. 9 Nais ko rin na ang mga babae'y magdamit nang maayos, marangal at nararapat. Hindi kinakailangang sila'y maging marangya sa kanilang pananamit at ayos ng buhok, o kaya nama'y nasusuotan ng mamahaling alahas na gawa sa ginto o perlas. 10 Sa halip, ang maging gayak nila ay mabubuting gawa, gaya ng nararapat sa mga babaing itinuturing na maka-Diyos.
Read full chapterFootnotes
- 1 Timoteo 2:8 manalangin...malinis na puso: Sa Griyego, manalanging nakataas ang banal na kamay.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
