1 Timoteo 2:1-3
Ang Dating Biblia (1905)
2 Una-una nga sa lahat ng mga bagay, ay iniaaral ko na manaing, manalangin, mamagitan, at magpasalamat na patungkol sa lahat ng mga tao;
2 Ang mga hari at ang lahat ng nangasa mataas na kalagayan; upang tayo'y mangabuhay na tahimik at payapa sa buong kabanalan at kahusayan.
3 Ito'y mabuti at nakalulugod sa paningin ng Dios na ating Tagapagligtas;
Read full chapter
1 Timoteo 2:1-3
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Mga Tagubilin tungkol sa Pananalangin
2 Una sa lahat, hinihimok ko kayong ipanalangin ang lahat ng tao. Idulog ninyo sa Diyos ang inyong mga kahilingan, dalangin, pagsamo at pasasalamat para sa kanila. 2 Ipanalangin ninyo ang mga hari at ang lahat ng may mataas na tungkulin, upang tayo ay mamuhay nang tahimik, payapa, marangal at may kabanalan. 3 Ito'y mabuti at kinalulugdan ng Diyos na ating Tagapagligtas.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
