Add parallel Print Page Options

Datapuwa't nalalaman natin na ang kautusan ay mabuti, kung ginagamit ng tao sa matuwid,

Yamang nalalaman ito, na ang kautusan ay hindi ginawa dahil sa taong matuwid, kundi sa mga walang kautusan at manggugulo, dahil sa masasama at mga makasalanan, dahil sa mga di banal at mapaglapastangan, dahil sa nagsisipatay sa ama at sa nagsisipatay sa ina, dahil sa mga mamamatay-tao,

10 Dahil sa mga nakikiapid, dahil sa mga mapakiapid sa kapuwa lalake, dahil sa mga nagnanakaw ng tao, dahil sa mga bulaan, dahil sa mga mapagsumpa ng kabulaanan, at kung mayroon pang ibang bagay laban sa mabuting aral;

Read full chapter

Alam nating mabuti ang Kautusan kung gagamitin ito sa tamang paraan. Alalahanin nating hindi ginawa ang Kautusan para sa mga matuwid kundi para sa mga sumusuway sa batas, sa mapanghimagsik, sa mga hindi maka-Diyos at sa mga makasalanan; para ito sa mga masasama at lapastangan; para sa mga pumapatay ng ama o ina, sa mga mamamatay-tao. 10 Ibinigay rin ang Kautusan para sa mga imoral, mga nakikipagtalik sa kapwa lalaki o babae, para sa mga sapilitang kumukuha ng tao upang ibenta bilang alipin; para sa mga sinungaling at bulaang saksi. Ang Kautusan ay para sa lahat na sumasalungat sa mabuting aral

Read full chapter