Add parallel Print Page Options

Na nagsisipagnasang maging mga guro ng kautusan, bagaman di nila natatalastas kahit ang kanilang sinasabi, kahit ang kanilang buong tiwalang pinatutunayan.

Datapuwa't nalalaman natin na ang kautusan ay mabuti, kung ginagamit ng tao sa matuwid,

Yamang nalalaman ito, na ang kautusan ay hindi ginawa dahil sa taong matuwid, kundi sa mga walang kautusan at manggugulo, dahil sa masasama at mga makasalanan, dahil sa mga di banal at mapaglapastangan, dahil sa nagsisipatay sa ama at sa nagsisipatay sa ina, dahil sa mga mamamatay-tao,

Read full chapter

Nais nilang maging mga tagapagturo ng Kautusan kahit hindi nila nauunawaan ang kanilang mga sinasabi ni ang mga bagay na buong tiwala nilang ipinapangaral.

Alam nating mabuti ang Kautusan kung gagamitin ito sa tamang paraan. Alalahanin nating hindi ginawa ang Kautusan para sa mga matuwid kundi para sa mga sumusuway sa batas, sa mapanghimagsik, sa mga hindi maka-Diyos at sa mga makasalanan; para ito sa mga masasama at lapastangan; para sa mga pumapatay ng ama o ina, sa mga mamamatay-tao.

Read full chapter