1 Samuel 15:2-4
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
2 Ipinapasabi(A) ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat, ‘Paparusahan ko ang Amalek tulad ng ginawa niya sa Israel nang ito'y inilalabas ko sa Egipto. 3 Lusubin mo ang Amalek at lipulin silang lahat. Wasakin mo ang lahat nilang ari-arian at huwag magtitira kahit isa. Patayin mo silang lahat, babae't lalaki, mula sa pinakamatanda hanggang sa sanggol. Patayin mo rin ang kanilang mga baka, tupa, kamelyo at asno.”
4 Kaya't tinipon ni Saul sa Telaim ang buong hukbo ng Israel. Nang bilangin niya'y umabot ito sa dalawampung libong mga kawal, bukod pa sa sampung libo buhat sa Juda.
Read full chapter
1 Samuel 15:2-4
Ang Biblia (1978)
2 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Aking tinandaan yaong ginawa ng Amalec sa Israel, (A)kung paanong siya'y humadlang sa kaniya sa daan, nang siya'y umahon mula sa Egipto.
3 Ngayo'y yumaon ka at saktan mo ang Amalec, at iyong lubos na (B)lipulin ang buo nilang tinatangkilik, at huwag kang manghinayang sa kanila; kundi patayin mo ang lalake at babae, sanggol at sumususo, baka at tupa, kamelyo at asno.
4 At pinisan ni Saul ang bayan at binilang sila sa Telaim, dalawang yutang lalake na naglalakad, at sangpung libong lalake sa Juda.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
