1 Cronica 9:23-25
Ang Biblia, 2001
23 Kaya't sila at ang kanilang mga anak ay tagapamahala sa mga pintuan ng bahay ng Panginoon, samakatuwid ay ang bahay ng tolda bilang mga bantay.
24 Ang mga bantay sa pinto ay nasa apat na sulok sa dakong silangan, kanluran, hilaga at timog.
25 Ang kanilang mga kamag-anak na nasa mga nayon ay sapilitang pinapapasok tuwing ikapitong araw, tuwing kapanahunan, upang makasama ng mga ito,
1 Paralipomeno 9:23-25
Ang Dating Biblia (1905)
23 Sa gayo'y sila, at ang kanilang mga anak ay namahala na pinakabantay sa mga pintuang-daan ng bahay ng Panginoon, sa makatuwid baga'y ng bahay ng tabernakulo, ayon sa paghahalinhinan.
24 Na sa apat na sulok ang mga tagatanod-pinto, sa dakong silanganan, kalunuran, hilagaan, at timugan.
25 At ang kanilang mga kapatid, sa kanilang mga nayon, ay paroroon sa bawa't pitong araw, tuwing kapanahunan upang sumakanila:
1 Cronica 9:23-25
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
23 Sila at ang kanilang mga angkan ang pinagkakatiwalaang magbantay sa mga pintuan ng bahay ng Panginoon – na tinatawag ding Tolda. 24 Nagbabantay sila sa apat na sulok: sa silangan, kanluran, hilaga at timog. 25 Kung minsan ang mga kamag-anak nilang nakatira sa mga bayan ang pumapalit sa kanila na magbantay sa loob ng pitong araw.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
