1 Cronica 11:23-25
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
23 Siya rin ang pumatay sa higanteng Egipcio na dalawa't kalahating metro ang taas at may armas na isang sibat na ang hawakan ay napakalaki. Sinagupa niya ito na ang hawak lamang niya'y batuta, ngunit naagaw niya ang sibat. Ito na rin ang ginamit niya sa pagpatay sa higante. 24 Dahil sa mga ginawang ito, siya'y nakilala rin, tulad ng Tatlo.[a] 25 Nangunguna siya sa Tatlumpu, ngunit hindi rin niya nahigitan ang kagitingan ng Tatlo. Siya ang ginawa ni David na pinuno ng kanyang mga bantay.
Read full chapterFootnotes
- 24 Tatlo: Sa ibang manuskrito'y Tatlumpu .
1 Cronica 11:23-25
Ang Biblia (1978)
23 At siya'y pumatay ng isang taga Egipto, na isang lalaking may malaking bulas, na limang siko ang taas; at sa kamay ng taga Egipto ay may isang sibat na gaya ng panghabi ng manghahabi; at binaba niya siya na may isang tungkod, at inagaw ang sibat sa kamay ng taga Egipto, at pinatay niya siya ng kaniyang sariling sibat.
24 Ang mga bagay na ito ay ginawa ni Benaias na anak ni Joiada, at nagkapangalan sa tatlong makapangyarihang lalake.
25 Narito, siya'y lalong marangal kay sa tatlongpu, nguni't hindi siya umabot sa unang tatlo: at inilagay ni David sa kaniya na bantay.
Read full chapter
1 Cronica 11:23-25
Ang Biblia, 2001
23 Siya'y pumatay ng isang Ehipcio na isang lalaking matipuno na may limang siko ang taas. Sa kamay ng Ehipcio ay may isang sibat na gaya ng panghabi ng manghahabi; ngunit si Benaya ay bumaba sa kanya na may tungkod at inagaw ang sibat sa kamay ng Ehipcio, at kanyang pinatay siya ng kanyang sariling sibat.
24 Ang mga bagay na ito ay ginawa ni Benaya na anak ni Jehoiada, at siya ay naging tanyag tulad ng tatlong mandirigma.
25 Siya'y kilala sa tatlumpu, ngunit hindi siya napasama sa tatlo, at ginawa siya ni David na pinuno ng mga tanod.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
