Add parallel Print Page Options

Tungkol sa Pagkaing Inihandog sa Diyus-diyosan

Ngayon, ipaliliwanag ko naman sa inyo ang tungkol sa mga pagkaing inihandog sa mga diyus-diyosan. Alam nating “may kaalaman tayong lahat,” gaya ng sabi ng iba. Ang kaalamang ito ay nagtutulak sa tao na maging mapagmataas, subalit ang pag-ibig ay nakakapagpatatag. Ang nag-aakalang may nalalaman siya ay hindi pa nakakaalam ng dapat niyang malaman. Ngunit ang umiibig sa Diyos ay kilala ng Diyos.

Read full chapter

Tungkol sa mga Pagkaing Inialay sa Diyus-diyosan

Tungkol naman sa mga pagkaing inialay sa mga diyus-diyosan, alam nating tayong lahat ay may kaalaman. Ang kaalaman ay nagpapayabang, ngunit ang pag-ibig ay nagpapatibay. Sinumang nag-aakala na mayroon siyang alam ay hindi pa niya alam ang dapat niyang malaman. Ngunit sinumang umiibig sa Diyos, ang taong ito ay kinikilala ng Diyos.

Read full chapter

Ngayon tungkol (A)sa mga bagay na inihain sa mga diosdiosan: Nalalaman natin na tayong lahat ay may (B)kaalaman. (C)Ang kaalaman ay nagpapalalo, nguni't ang pagibig ay nagpapatibay.

(D)Kung ang sinoman ay nagaakala na siya'y may nalalamang anoman, ay wala pang nalalaman gaya ng nararapat niyang maalaman;

Datapuwa't kung ang sinoman (E)ay umiibig sa Dios, ay kilala niya ang gayon.

Read full chapter