1 Corinto 7:38-40
Magandang Balita Biblia
38 Kaya nga, mabuti ang magpasyang pakasalan ang kanyang kasintahan, ngunit mas mabuti ang hindi mag-asawa.[a]
39 Ang babae ay nakatali sa kanyang asawa habang nabubuhay ito. Kapag namatay ang lalaki, ang babae ay malaya nang mag-asawa sa sinumang maibigan niya, ngunit dapat ay sa isa ring nananampalataya sa Panginoon. 40 Subalit sa aking palagay, higit siyang magiging maligaya kung mananatili siya sa kanyang kalagayan bilang biyuda. Iyan ang palagay ko, at sa palagay ko nama'y nasa akin din ang Espiritu ng Diyos.
Read full chapterFootnotes
- 1 Corinto 7:38 Kung inaakala...hindi mag-asawa: o kaya’y 36 Kung inaakala ng isang ama na di marapat ang pagpigil niya sa kanyang anak na dalaga, at ito’y nasa hustong gulang na para mag-asawa, at dapat na niyang ipakasal ito, payagan na niyang mag-asawa ang anak. Hindi ito kasalanan. 37 Mas mabuti pang magpigil sa sarili at magpasya na huwag pag-asawahin ng ama ang kanyang anak na dalaga. 38 Kaya nga, mabuti na ipakasal ng ama ang anak na dalaga, ngunit lalong mabuti ang ito’y hindi pag-asawahin .
1 Corinto 7:38-40
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
38 Kaya't ang nagpapakasal sa kanyang kasintahan ay gumagawa ng mabuti at ang hindi naman nagpapakasal ay gumagawa ng mas mabuti.
39 Ang asawang babae ay nakatali habang nabubuhay ang kanyang asawa. Ngunit kung namayapa na ang kanyang asawa, malaya na siyang mag-asawa sa kanino mang nais niya, basta sa kapwa nasa Panginoon. 40 Ngunit sa aking palagay, mas maligaya siya kung mananatili siya sa kanyang kalagayan. Iniisip ko rin naman na taglay ko ang Espiritu ng Diyos.
Read full chapterMagandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
