Add parallel Print Page Options

Ngunit dahil sa lumalaganap na pakikiapid, bawat lalaki o babae ay dapat magkaroon ng sariling asawa. Dapat tuparin ng lalaki ang tungkulin niya sa kanyang asawa, at gayundin naman ang babae. Sapagkat hindi na ang babae ang may karapatan sa sarili niyang katawan kundi ang kanyang asawa. Gayundin naman, hindi na ang lalaki ang may karapatan sa sarili niyang katawan kundi ang kanyang asawa.

Read full chapter

Subalit dahil sa laganap na pakikiapid, ang bawat lalaki ay dapat magkaroon ng sarili niyang asawa, at gayundin ang bawat babae. Dapat ibigay ng lalaki sa kanyang asawa ang karapatan nito bilang asawa, at gayundin ang babae sa kanyang asawa. Sapagkat hindi na ang babae ang nagpapasya tungkol sa kanyang katawan, kundi ang kanyang asawa, at hindi na rin ang lalaki ang nagpapasya tungkol sa kanyang sariling katawan, kundi ang kanyang asawa.

Read full chapter

Datapuwa't, dahil sa (A)mga pakikiapid, ang bawa't lalake ay magkaroon ng kaniyang sariling asawa, at bawa't babae ay magkaroon ng kaniyang sariling asawa.

(B)Ibigay ng lalake sa asawa ang sa kaniya'y nararapat: at gayon din naman ang babae sa asawa.

Ang babae ay walang kapangyarihan sa kaniyang sariling katawan, kundi ang asawa: at gayon din naman ang lalake ay walang kapangyarihan sa kaniyang sariling katawan, kundi ang asawa.

Read full chapter