Add parallel Print Page Options

Mga Katanungan tungkol sa Pag-aasawa

Tungkol naman sa inyong sulat, ganito ang masasabi ko: Mabuti sa isang tao na huwag makipagtalik[a]. Ngunit dahil sa lumalaganap na pakikiapid, bawat lalaki o babae ay dapat magkaroon ng sariling asawa. Dapat tuparin ng lalaki ang tungkulin niya sa kanyang asawa, at gayundin naman ang babae.

Read full chapter

Footnotes

  1. 1 huwag makipagtalik: Sa Griego ay huwag humipo sa babae .

Mga Tagubilin tungkol sa Pag-aasawa

Tungkol naman sa mga bagay na isinulat ninyo: “Mabuti para sa isang lalaki na huwag gumalaw ng babae.” Subalit dahil sa laganap na pakikiapid, ang bawat lalaki ay dapat magkaroon ng sarili niyang asawa, at gayundin ang bawat babae. Dapat ibigay ng lalaki sa kanyang asawa ang karapatan nito bilang asawa, at gayundin ang babae sa kanyang asawa.

Read full chapter

At tungkol sa mga bagay na isinulat ninyo sa akin: (A)Mabuti sa lalake ay huwag humipo sa babae.

Datapuwa't, dahil sa (B)mga pakikiapid, ang bawa't lalake ay magkaroon ng kaniyang sariling asawa, at bawa't babae ay magkaroon ng kaniyang sariling asawa.

(C)Ibigay ng lalake sa asawa ang sa kaniya'y nararapat: at gayon din naman ang babae sa asawa.

Read full chapter