1 Corinto 4:1-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Apostol ni Cristo
4 Dapat ninyong kilalanin na kami'y mga lingkod ni Cristo at katiwala ng mga hiwaga ng Diyos. 2 Ang katiwala'y kailangang maging tapat sa kanyang panginoon. 3 Walang anuman sa akin kung ako'y hatulan ninyo, o ng alinmang hukuman ng tao; ako man ay hindi humahatol sa aking sarili.
Read full chapter
1 Corinto 4:1-3
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Ang Gawain ng mga Apostol
4 Kaya't dapat kaming ituring ng tao bilang mga tagapaglingkod ni Cristo, at mga katiwala ng mga hiwaga ng Diyos. 2 Bukod dito, inaasahan sa mga katiwala na sila'y matagpuang tapat. 3 Ngunit para sa akin ay napakaliit na bagay ang hatulan ninyo ako o ng hukuman ng tao. Ni hindi nga ako humahatol sa aking sarili.
Read full chapter
1 Corinto 4:1-3
Ang Biblia, 2001
Ang Ministeryo ng mga Apostol
4 Kaya't ituring ninyo kami bilang mga lingkod ni Cristo, at mga katiwala ng mga hiwaga ng Diyos.
2 Bukod dito, kailangan sa mga katiwala na sila ay matagpuang tapat.
3 Subalit para sa akin ay isang napakaliit na bagay ang ako'y hatulan ninyo o ng alinmang hukuman ng tao. Ako man ay hindi humahatol sa aking sarili.
Read full chapter
1 Corinto 4:1-3
Ang Dating Biblia (1905)
4 Ipalagay nga kami ng sinoman na mga ministro ni Cristo, at mga katiwala ng mga hiwaga ng Dios.
2 Bukod dito'y kinakailangan sa mga katiwala, na ang bawa't isa ay maging tapat.
3 Datapuwa't sa ganang akin ay isang bagay na totoong maliit ang ako'y siyasatin ninyo, o ng pagsisiyasat ng tao: oo, ako'y hindi nagsisiyasat sa aking sarili.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
