1 Corinto 11:6-8
Ang Dating Biblia (1905)
6 Sapagka't kung ang babae ay walang lambong, ay pagupit naman; nguni't kung kahiyahiya sa babae ang pagupit o paahit, ay maglambong siya.
7 Sapagka't katotohanang ang lalake ay hindi dapat maglambong sa kaniyang ulo, palibhasa'y larawan siya at kaluwalhatian ng Dios: nguni't ang babae ay siyang kaluwalhatian ng lalake.
8 Sapagka't ang lalake ay hindi sa babae; kundi ang babae ay sa lalake:
Read full chapter
1 Corinto 11:6-8
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
6 Sapagkat kung ang babae ay hindi nagtatalukbong, magpagupit na lang siya ng kanyang buhok. Ngunit kung kahiya-hiya sa babae ang magpagupit o magpaahit, dapat siyang magtalukbong. 7 Sapagkat (A) hindi nararapat sa lalaki ang magtalukbong ng kanyang ulo, sapagkat siya ay larawan at kaluwalhatian ng Diyos, ngunit ang babae ay siyang kaluwalhatian ng lalaki. 8 Sapagkat (B) ang lalaki ay hindi mula sa babae, kundi ang babae ay mula sa lalaki,
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
