1 Corinto 11:28-30
Magandang Balita Biblia
28 Kaya't dapat siyasatin ng tao ang kanyang sarili bago siya kumain ng tinapay at uminom sa kopa. 29 Sapagkat ang sinumang kumakain at umiinom nang hindi kinikilala ang kahalagahan ng katawan ng Panginoon ay kumakain at umiinom ng kahatulan laban sa kanyang sarili. 30 Iyan ang dahilan kung bakit mahihina at sakitin ang marami sa inyo, at may ilan ngang namatay na.[a]
Read full chapterFootnotes
- 1 Corinto 11:30 namatay na: Sa Griego ay natutulog na .
1 Corinto 11:28-30
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
28 Suriin nga ng bawat tao ang kanyang sarili, bago siya kumain ng tinapay at uminom sa kopa. 29 Sapagkat ang sinumang kumakain at umiinom ay kumakain at umiinom ng hatol sa kanyang sarili kung hindi niya kinikilala ang katawan.[a] 30 Dahil dito, marami sa inyo ang mahihina at maysakit, at ang ilan ay yumao na.[b]
Read full chapterFootnotes
- 1 Corinto 11:29 Sa ibang manuskrito katawan ng Panginoon.
- 1 Corinto 11:30 Sa Griyego, natutulog.
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
