1 Corinto 1:4-6
Ang Biblia, 2001
4 Ako ay laging nagpapasalamat sa aking Diyos tungkol sa inyo, dahil sa biyaya ng Diyos na ibinigay sa inyo sa pamamagitan ni Cristo Jesus,
5 na sa lahat ng mga bagay ay pinayaman kayo sa kanya sa bawat uri ng pananalita at kaalaman,
6 kagaya ng patotoo ni Cristo na pinagtibay sa inyo.
Read full chapter
1 Corinto 1:4-6
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
4 Palagi akong nagpapasalamat sa aking Diyos tungkol sa inyo, dahil sa biyaya ng Diyos na ipinagkaloob sa inyo sa pamamagitan ni Cristo Jesus. 5 Dahil sa pakikiugnay ninyo sa kanya ay pinayaman kayo sa lahat ng paraan sa pananalita at bawat kaalaman, 6 kung paanong pinagtibay sa inyo ang patotoo ni Cristo.
Read full chapter
1 Corinto 1:4-6
Ang Dating Biblia (1905)
4 Nagpapasalamat akong lagi sa aking Dios tungkol sa inyo, dahil sa biyaya ng Dios na ipinagkaloob sa inyo sa pamamagitan ni Cristo Jesus;
5 Na kayo ay pinayaman sa kanya, sa lahat ng mga bagay sa lahat ng pananalita at sa lahat ng kaalaman;
6 Gaya ng pinagtibay sa inyo ang patotoo ni Cristo:
Read full chapter
1 Corinto 1:4-6
Ang Biblia (1978)
4 (A)Nagpapasalamat akong lagi sa aking Dios tungkol sa inyo, dahil sa biyaya ng Dios na ipinagkaloob sa inyo sa pamamagitan ni Cristo Jesus;
5 Na kayo ay pinayaman sa kanya, sa lahat ng mga bagay (B)sa lahat ng pananalita at (C)sa lahat ng kaalaman;
6 Gaya ng pinagtibay sa inyo (D)ang patotoo ni Cristo:
Read full chapter
1 Corinto 1:4-6
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Mga Pagpapala Mula kay Cristo
4 Lagi akong nagpapasalamat sa Dios dahil sa mga pagpapalang ibinigay niya sa inyo sa pamamagitan ng inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus. 5 Sapagkat sa inyong pakikipag-isa sa kanya, pinalago kayo ng Dios sa lahat ng bagay – sa pananalita at kaalaman. 6 Dahil dito, napatunayan sa inyo na ang mga itinuro namin tungkol kay Cristo ay totoo.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
