1 Corinto 1:23-25
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
23 Ngunit ang ipinapangaral namin ay si Cristo na ipinako sa krus, na para sa mga Judio ay isang katitisuran at para sa mga Hentil ay isang kahangalan. 24 Subalit sa mga tinawag ng Diyos, maging Judio o maging Griego, si Cristo ang kapangyarihan at karunungan ng Diyos. 25 Sapagkat ang inaakala nilang kahangalan ng Diyos ay karunungang higit pa sa karunungan ng tao, at ang inaakala nilang kahinaan ng Diyos ay kalakasang higit pa sa kalakasan ng tao.
Read full chapter
1 Corinto 1:23-25
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
23 subalit ang Cristong ipinako sa krus ang ipinapangaral namin. Para sa mga Judio ito ay katitisuran at sa mga Hentil naman ay kahangalan. 24 Ngunit para sa mga tinawag, Judio man o Griyego, si Cristo ang kapangyarihan ng Diyos at ang karunungan ng Diyos. 25 Sapagkat ang itinuturing na kahangalan ng Diyos ay higit sa karunungan ng mga tao, at ang itinuturing na kahinaan ng Diyos ay higit sa kalakasan ng mga tao.
Read full chapter
1 Corinto 1:23-25
Ang Biblia (1978)
23 Datapuwa't ang (A)aming ipinangangaral ay ang Cristo na napako sa krus, na sa mga Judio ay (B)katitisuran, at sa mga Gentil ay kamangmangan;
24 Nguni't sa kanila na mga tinawag, maging mga Judio at mga Griego, si Cristo ang (C)kapangyarihan ng Dios, at (D)ang karunungan ng Dios.
25 Sapagka't ang kamangmangan ng Dios ay lalong marunong kay sa mga tao; at ang kahinaan ng Dios ay lalong malakas kay sa mga tao.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
