1 Corinto 1:12-14
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
12 Ito ang ibig kong sabihin: Ang iba daw sa inyo ay nagsasabi, “Kay Pablo ako”; ang iba naman ay “Kay Apolos ako.” May iba ring nagsasabi, “Kay Pedro[a] ako”; at ang iba naman ay “Kay Cristo ako.” 13 Bakit, nahahati ba si Cristo? Si Pablo ba ang ipinako sa krus para sa inyo? Binautismuhan ba kayo sa pangalan ni Pablo?
14 Salamat sa Dios at wala akong binautismuhan sa inyo maliban kina Crispus at Gaius.
Read full chapterFootnotes
- 1:12 Pedro: sa Griego, Cefas.
1 Corinto 1:12-14
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
12 Ganito ang ibig kong sabihin, may ilan sa inyo na nagsasabi, “Kay Pablo ako,” o “Kay Apolos ako,” at “Kay Pedro[a] ako,” at ang iba naman “Kay Cristo ako.” 13 Nahahati ba si Cristo? Si Pablo ba ang ipinako sa krus para sa inyo? O binautismuhan ba kayo sa pangalan ni Pablo? 14 Nagpapasalamat ako sa Diyos na wala akong binautismuhan sa inyo, maliban kay Crispo at kay Gayo;
Read full chapterFootnotes
- 1 Corinto 1:12 Pedro: sa tekstong Griyego, Cefas, na ang kahulugan ay bato.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
