1 Corinto 1:11-13
Magandang Balita Biblia
11 Sapagkat ibinalita sa akin ng mga kasamahan ni Cloe na kayo raw ay nag-aaway-away. 12 Ito(A) ang tinutukoy ko: may nagsasabing, “Kay Pablo ako;” may nagsasabi namang, “Ako'y kay Apolos.” May iba pa ring nagsasabi, “Kay Pedro ako,” at may iba namang nagsasabi, “Ako'y kay Cristo.” 13 Bakit? Nahati ba si Cristo? Si Pablo ba ang ipinako sa krus para sa inyo? Binautismuhan ba kayo sa pangalan niya?
Read full chapter
1 Corinto 1:11-13
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
11 Sapagkat nabalitaan ko, mga kapatid, ang tungkol sa inyo mula sa sambahayan ni Cloe, na may pagtatalu-talo sa inyo. 12 Ganito ang ibig kong sabihin, may ilan sa inyo na nagsasabi, “Kay Pablo ako,” o “Kay Apolos ako,” at “Kay Pedro[a] ako,” at ang iba naman “Kay Cristo ako.” 13 Nahahati ba si Cristo? Si Pablo ba ang ipinako sa krus para sa inyo? O binautismuhan ba kayo sa pangalan ni Pablo?
Read full chapterFootnotes
- 1 Corinto 1:12 Pedro: sa tekstong Griyego, Cefas, na ang kahulugan ay bato.
1 Corinto 1:11-13
Ang Biblia (1978)
11 Sapagka't ipinatalastas sa akin tungkol sa inyo, mga kapatid ko, ng mga kasangbahay ni Cloe, na sa inyo'y may mga pagtatalotalo.
12 Ibig ko ngang sabihin ito, na (A)ang bawa't isa sa inyo ay nagsasabi, Ako'y kay Pablo; at ako'y kay (B)Apolos; at ako'y kay (C)Cefas; at ako'y kay Cristo.
13 Nabahagi baga si Cristo? (D)ipinako baga sa krus si Pablo dahil sa inyo? o (E)binautismuhan baga kayo sa pangalan ni Pablo?
Read full chapterMagandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
