Add parallel Print Page Options

兩個見證人

11 有一根好像量尺的蘆葦賜給了我,又有話說:“你起來,把 神的聖所和祭壇,以及在裡面敬拜的人,都量一量、數一數。 但聖所外面的院子,不要量它,因為它已經給了外族人,他們要踐踏聖城四十二個月。 我要賜能力給我那兩個穿著麻衣的見證人,他們要傳道一千二百六十天。” 他們就是站在全地之主面前的兩棵橄欖樹和兩個燈臺。 如果有人想要傷害他們,就有火從他們口中出來,吞滅他們的仇敵。凡是想要傷害他們的,都必這樣被殺。 他們有權柄在他們傳道的日子叫天閉塞不下雨,又有權柄掌管眾水,使水變成血,並且有權柄可以隨時隨意用各樣災難擊打全地。 他們作完了見證的時候,那從無底坑上來的獸要跟他們作戰,勝過他們,把他們殺死。 他們的屍首要倒在大城的街道上。這城按著寓意叫所多瑪,又叫埃及,就是他們的主被釘十字架的地方。 從各民族、各支派、各方言和各邦國中,都有人觀看他們的屍首三天半,又不許人把屍首安放在墳墓裡。 10 住在地上的人為了他們的緣故,就歡喜快樂,彼此送禮,因為這兩位先知曾經使他們受痛苦。 11 過了三天半,有生命的氣息從 神那裡來,進入他們裡面,他們就站立起來,看見他們的人都非常懼怕。 12 他們聽見從天上來的大聲音,對他們說:“上這裡來!”他們就駕著雲上了天,他們的仇敵也看見了。 13 就在那時,大地震發生了,那座城倒塌了十分之一,因著地震而死的有七千人,其餘的人都很害怕,就把榮耀歸給天上的 神。

14 第二樣災禍過去了。看哪,第三樣災禍快要到了!

吹第七枝號

15 第七位天使吹號,天上就有大聲音說:

“世上的國成了我們的主

和他所立的基督的國,

他要作王,直到永永遠遠!”

16 那在 神面前,坐在自己座位上的二十四位長老,都面伏在地上敬拜 神, 17 說:

“主啊!全能的 神,昔在今在的,

我們感謝你!

因為你執掌了大權,

作王了!

18 列國忿怒了!

你的震怒也臨到了!

時候已經到了!

死人要受審判!

你的眾僕人、先知、聖徒,

和所有老幼貴賤、敬畏你名的人,

都要得賞賜!

你也要毀滅那些敗壞全地的人!”

19 於是,在天上 神的聖所開了,他的約櫃就在他的聖所中顯現出來。隨即有閃電、響聲、雷轟、地震、大冰雹。

Ang Dalawang Saksi

11 Pagkatapos (A) nito may nagbigay sa akin ng isang panukat na parang tungkod na nagsasabi, “Tumayo ka at sukatin mo ang templo ng Diyos, at ang dambana, pati ang mga sumasamba doon. Ngunit (B) huwag mong sukatin ang patyo sa labas ng templo; hayaan mo na iyon, sapagkat ipinaubaya iyon sa mga bansa. Kanilang tatapak-tapakan ang mga banal na lungsod sa loob ng apatnapu't dalawang taon. Bibigyan ko ng kapangyarihang magpahayag ng propesiya sa loob ng 1,260 araw ang aking dalawang saksi na nakasuot ng damit panluksa.”

Ang (C) mga saksing ito'y ang dalawang puno ng olibo at dalawang ilawang nakatayo sa harap ng Panginoon ng lupa. Kung may magtangkang saktan sila, lalabas sa kanilang bibig ang apoy na lalamon sa kanilang mga kaaway. Sinumang magtatangkang saktan sila ay papatayin sa ganitong paraan. Sila'y (D) may kapangyarihang isara ang langit upang huwag umulan sa mga araw na nagpapahayag sila ng propesiya. At mayroon din silang kapangyarihang gawing dugo ang tubig at bigyan ng anumang uri ng salot ang lupa, anumang oras nila ito naisin.

Nang matapos (E) na nila ang kanilang patotoo, makikipagdigmaan sa kanila ang hayop na umahon mula sa walang hangganang kalaliman, dadaigin at papatayin sila nito. (F) Ang kanilang mga bangkay ay ikakalat sa lansangan ng malaking lungsod, na sa pananalitang espirituwal ay Sodoma at Ehipto, kung saan ang kanilang Panginoon ay ipinako sa krus. Sa loob ng tatlo't kalahating araw ay pagmamasdan ng mga taong mula sa mga bayan, mga lipi, mga wika, at mga bansa ang mga bangkay at hindi nila pahihintulutang mailibing ang mga ito. 10 Ang mga naninirahan sa lupa ay magagalak sa sinapit ng dalawang saksi. Magdiriwang sila at magpapalitan ng mga handog, sapagkat pinahirapan ng dalawang propetang ito ang mga naninirahan sa lupa.

11 At pagkatapos (G) ng tatlo't kalahating araw, pumasok sa kanila ang hininga ng buhay na mula sa Diyos. Nagtayuan sila, at nangibabaw sa mga nakakita ang matinding takot. 12 At pagkatapos (H) narinig nila ang isang malakas na tinig mula sa langit na nagsasabi, “Umakyat kayo rito!” Kaya sa ibabaw ng isang ulap ay umakyat sila sa langit, habang minamasdan sila ng kanilang mga kaaway. 13 Nang (I) oras ding iyon ay lumindol nang malakas, at nagiba ang ikasampung bahagi ng lungsod. Pitong libong tao ang namatay sa lindol, at ang iba nama'y natakot at nagbigay-papuri sa Diyos ng kalangitan.

14 Naganap na ang ikalawang malagim na pangyayari. Ang ikatlo'y malapit nang maganap.

Ang Ikapitong Trumpeta

15 Pagkatapos, hinipan (J) ng ikapitong anghel ang kanyang trumpeta, at sa langit ay narinig ang malalakas na tinig na nagsasabi,

“Ang kaharian ng sanlibutan ay naging kaharian ng ating Panginoon
    at ng kanyang Cristo,
at maghahari siya magpakailanman.”

16 At ang dalawampu't apat na matatanda na nakaupo sa kanilang trono sa harapan ng Diyos ay nagpatirapa at sumamba sa Diyos. 17 Wika nila,

“Salamat po, Panginoon naming Diyos na Makapangyarihan sa lahat,
    na siyang ngayon, at noon,
sapagkat tinaglay mo ang iyong dakilang kapangyarihan
    at nagsimula nang maghari.
18 Nagalit (K) ang mga bansa,
    ngunit dumating ang iyong poot
    at ang panahon upang hatulan ang mga patay,
at upang gantimpalaan ang iyong mga lingkod na mga propeta at mga banal
    at lahat silang natatakot sa iyong pangalan,
    maging mga hamak o mga dakila,
at upang puksain silang mga pumipinsala sa mundo.”

19 Pagkatapos ay (L) nabuksan ang templo ng Diyos sa langit, at nahayag ang kaban ng tipan. Gumuhit ang mga kidlat, nagkaingay, dumagundong ang mga kulog, lumindol, at umulan ng mga tipak ng yelo.