Add parallel Print Page Options

Ang Pagpili sa Pitong Tagapaglingkod

Habang patuloy na dumarami ang mga alagad, nagkaroon ng reklamo laban sa mga Hebreo[a] ang mga Helenista[b]. Sinabi nilang ang mga biyuda sa pangkat nila ay napapabayaan sa pang-araw-araw na pamamahagi ng ikabubuhay. Kaya't tinipon ng Labindalawa ang buong kapulungan ng mga mananampalataya at sinabi sa kanila, “Hindi namin dapat pabayaan ang pangangaral ng salita ng Diyos upang mangasiwa sa pamamahagi ng ikabubuhay. Kaya,[c] mga kapatid, pumili kayo sa mga kasamahan ninyo ng pitong lalaking iginagalang, puspos ng Espiritu, at matatalino upang ilagay namin sila sa tungkuling ito. Samantala, iuukol naman namin ang aming panahon sa pananalangin at sa pangangaral ng salita.”

Nalugod ang buong kapulungan sa panukalang ito, kaya't pinili nila si Esteban, isang lalaking lubos ang pananampalataya sa Diyos at puspos ng Espiritu Santo, at sina Felipe, Procoro, Nicanor, Timon, Parmenas, at si Nicolas na taga-Antioquia, isang Hentil na nahikayat sa pananampalatayang Judio. Nang iharap sila sa mga apostol, sila'y ipinanalangin at pinatungan ng kamay.

Patuloy na lumaganap ang salita ng Diyos at dumami ang mga alagad sa Jerusalem. At maraming paring Judio ang naniwala sa Magandang Balita.

Ang Pagdakip kay Esteban

Pinagpala ng Diyos si Esteban at pinagkalooban ng kapangyarihan, kaya't nakakagawa siya ng maraming kababalaghan at himala sa harapan ng madla. Minsan, nakipagtalo sa kanya ang ilang kasapi sa sinagoga ng mga Pinalaya[d], na binubuo ng mga Judiong taga-Cirene, Alejandria, Cilicia, at Asia[e]. 10 Ngunit hindi nila kayang salungatin ang karunungang kaloob ng Espiritu kay Esteban. 11 Kaya't lihim nilang sinulsulan ang ilang lalaki na magpatotoo laban sa kanya ng ganito, “Narinig naming nilalait niya si Moises at ang Diyos.” 12 Sa gayon, naudyukan nilang magalit kay Esteban ang mga tao, ang mga pinuno ng bayan at ang mga tagapagturo ng Kautusan. Siya'y sinunggaban nila at dinala sa Kataas-taasang Kapulungan ng mga Judio. 13 Nagharap sila ng mga sinungaling na saksi laban kay Esteban. Sinabi ng mga ito, “Ang taong ito ay walang tigil ng pagsasalita laban sa banal na Templo at sa Kautusan ni Moises. 14 Narinig naming sinasabi niya na ang Templo raw ay gigibain nitong si Jesus na taga-Nazaret, at papalitan ang mga kaugaliang ipinamana sa atin ni Moises.” 15 Si Esteban ay pinagmasdang mabuti ng lahat ng nakaupo sa Kapulungan, at nakita nila na ang kanyang mukha ay parang mukha ng anghel.

Footnotes

  1. Mga Gawa 6:1 HEBREO: Mga Judiong nagsasalita ng wikang Aramaico.
  2. Mga Gawa 6:1 HELENISTA: Mga Judiong nagsasalita ng wikang Griego.
  3. Mga Gawa 6:3 Kaya: Sa ibang manuskrito'y Subalit .
  4. Mga Gawa 6:9 PINALAYA: Mga Judiong dating mga alipin .
  5. Mga Gawa 6:9 ASIA: Nang panahong iyon, ang “Asia” ay tumutukoy sa isang lalawigan na sakop ng Imperyong Romano. Malaking bahagi ng lugar na ito ay sakop ngayon ng bansang Turkey.

選立執事

那時,門徒的人數與日俱增。當中有些講希臘話的猶太人埋怨講希伯來話的猶太人,說對方在日常分配食物的事上怠慢了他們的寡婦。 於是,十二使徒召集所有的門徒,對他們說:「我們不應該忽略傳上帝的道,去管理膳食。 弟兄姊妹,請從你們中間選出七位聲譽良好、被聖靈充滿、有智慧的人來負責膳食, 而我們要專心祈禱和傳道。」

大家一致同意,便選出充滿信心、被聖靈充滿的司提凡,此外還有腓利、伯羅哥羅、尼迦挪、提門、巴米拿,以及曾信過猶太教、來自安提阿的外族人尼哥拉。 大家將這七個人帶到使徒面前。使徒把手按在他們身上,為他們禱告。

上帝的道興旺起來,耶路撒冷的門徒大大增多,連許多祭司也皈信了。

司提凡被捕

司提凡得到極大的恩典和能力,在百姓中間行了驚人的神蹟奇事。 但有些來自古利奈、亞歷山大、基利迦和亞細亞、屬於「自由人[a]會堂」的猶太人聯合起來與司提凡辯論。 10 他們無法駁倒司提凡,因為他靠著智慧和聖靈說話。

11 於是,他們暗中唆使一些人誣告司提凡說:「我們聽見他說褻瀆摩西和上帝的話!」 12 又煽動百姓、長老和律法教師抓住司提凡,把他押到公會。 13 他們還派人作偽證說:「司提凡常常講侮辱聖地[b]和律法的話。 14 我們聽見他說那個拿撒勒人耶穌要毀壞聖殿,還要摒棄摩西傳給我們的規矩。」 15 在場的人都盯著司提凡,只見他的容貌好像天使一樣。

Footnotes

  1. 6·9 自由人」指的是原為奴隸,後來獲得自由的人。
  2. 6·13 聖地」指「聖殿」。