Isaias 38:8
Ang Biblia (1978)
8 (A)Narito, aking ipauurong ang anino sa mga baytang, ng sangpung baytang, na aninong pinababa sa mga baytang ni Ahaz sa pamamagitan ng araw, Sa gayo'y umurong ang araw ng sangpung baytang sa mga baytang na binabaan.
Read full chapter
2 Mga Hari 20:1-6
Ang Biblia (1978)
Si Ezechias ay may sakit. Ang buhay ay pinahaba.
20 Nang mga araw na (A)yaon ay may sakit na ikamamatay si Ezechias. At si Isaias na propeta na anak ni Amos ay naparoon sa kaniya, at nagsabi sa kaniya, Ganito ang sabi ng Panginoon, Ayusin mo ang iyong bahay; sapagka't ikaw ay mamamatay, at hindi mabubuhay.
2 Nang magkagayo'y kaniyang ipinihit ang kaniyang mukha sa panig ng bahay, at nanalangin sa Panginoon, na nagsasabi,
3 Idinadalangin ko sa iyo, Oh Panginoon, na iyong (B)alalahanin, kung paanong ako'y lumakad sa harap mo sa katotohanan, at may dalisay na puso at (C)gumawa ng mabuti sa iyong paningin. At si Ezechias ay umiyak na mainam.
4 At nangyari, bago si Isaias ay lumabas sa pinakaloob ng bayan, na ang salita ng Panginoon ay dumating sa kaniya, na nagsasabi,
5 Bumalik ka uli, at sabihin mo kay Ezechias na (D)pangulo ng aking bayan. Ganito ang sabi ng Panginoon ng Dios ni David na iyong magulang, (E)Aking narinig ang iyong (F)panalangin, aking nakita ang iyong mga luha: narito, aking pagagalingin ka: sa ikatlong araw ay sasampa ka sa bahay ng Panginoon.
6 At aking idadagdag sa iyong mga kaarawan ay labing limang taon; at aking ililigtas ka at ang bayang ito sa kamay ng hari sa Asiria; at aking (G)ipagsasanggalang ang bayang ito dahil sa akin, at dahil sa aking lingkod na si David.
Read full chapter
2 Mga Hari 9:11
Ang Biblia (1978)
Si Jehu ay pinahiran ng langis upang maging hari.
11 Nang magkagayon, nilabas ni Jehu ang mga lingkod ng kaniyang panginoon: at sinabi ng isa sa kaniya, (A)Lahat ba'y mabuti? bakit naparito ang ulol na taong ito sa iyo? At sinabi niya sa kanila, Inyong kilala ang lalake at ang kaniyang pananalita.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978