Roma 6:10
Ang Biblia (1978)
10 Sapagka't ang kamatayan na ikinamatay niya, ay kaniyang ikinamatay (A)na minsan (B)sa kasalanan: datapuwa't ang buhay na kaniyang ikinabubuhay, ay kaniyang ikinabubuhay sa Dios.
Read full chapter
Mga Hebreo 9:12
Ang Biblia (1978)
12 At hindi rin naman sa pamamagitan ng dugo ng mga kambing at ng mga bulong baka, kundi sa pamamagitan ng (A)kaniyang sariling dugo, ay pumasok na (B)minsan magpakailan man sa (C)dakong banal, na kinamtan ang walang hanggang katubusan.
Read full chapter
Mga Hebreo 9:14
Ang Biblia (1978)
14 Gaano pa kaya (A)ang dugo ni Cristo, na sa pamamagitan ng Espiritu na walang hanggan ay inihandog ang kaniyang sarili na walang dungis sa Dios, ay (B)maglilinis ng inyong budhi (C)sa mga gawang patay upang magsipaglingkod sa Dios na buhay?
Read full chapter
Mga Hebreo 9:28
Ang Biblia (1978)
28 Ay gayon din naman si Cristo, na inihandog na minsan (A)upang dalhin ang mga kasalanan (B)ng marami, sa ikalawa'y pakikita na hiwalay sa kasalanan, sa ikaliligtas (C)ng mga nagsisipaghintay sa kaniya.
Read full chapter
Mga Hebreo 10:12
Ang Biblia (1978)
12 Nguni't siya, nang makapaghandog ng (A)isa lamang hain patungkol sa mga kasalanan (B)magpakailan man, ay umupo sa kanan ng Dios;
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978