Mga Kawikaan 21:27
Ang Biblia (1978)
27 Ang hain ng masama ay karumaldumal:
Gaano pa nga, pagka kaniyang dinadala na may masamang isip!
Isaias 1:11
Ang Biblia (1978)
11 Sa anong kapararakan (A)ang karamihan ng inyong mga hain sa akin? sabi ng Panginoon: ako'y puno ng mga handog na susunugin na mga lalaking tupa, at ng mataba sa mga hayop na pinataba; at ako'y hindi nalulugod sa dugo ng mga toro, o ng mga kordero o ng mga kambing na lalake.
Read full chapter
Isaias 66:3
Ang Biblia (1978)
3 Siyang pumapatay ng baka ay (A)gaya ng pumapatay ng tao; siyang naghahain ng kordero ay gaya ng bumabali ng leeg ng aso; siyang naghahandog ng alay ay gaya ng naghahandog ng dugo ng baboy; siyang (B)nagsusunog ng kamangyan ay gaya ng pumupuri sa isang diosdiosan. Oo, sila'y nagsipili ng kanilang sariling mga lakad, at ang kanilang kaluluwa ay nalulugod sa kanilang mga kasuklamsuklam na bagay;
Read full chapter
Jeremias 6:20
Ang Biblia (1978)
20 (A)Sa anong panukala nangagdadala kayo sa akin (B)ng kamangyan na mula sa Seba, at ng mabangong kalamo na mula sa malayong lupain? (C)ang inyong mga handog na susunugin ay hindi nakalulugod, ni ang inyo mang mga hain ay nakalulugod sa akin.
Read full chapter
Amos 5:22
Ang Biblia (1978)
22 Oo, bagaman inyong ihandog sa akin ang inyong mga handog na susunugin at mga handog na harina, (A)hindi ko tatanggapin; ni akin mang kalulugdan ang mga handog tungkol sa (B)kapayapaan na inyong mga matabang hayop.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978