20 Ang pantas na anak ay nagpapasaya ng ama:Nguni't hinahamak ng mangmang ang kaniyang ina.
21 (A)Ang nanganganak ng mangmang ay sa kaniyang kapanglawan:At ang ama ng mangmang ay walang kagalakan.
25 (A)Ang mangmang na anak ay hirap sa kaniyang ama,At kapaitan sa nanganak sa kaniya.
13 Ang mangmang na anak ay kapanglawan ng kaniyang ama:(A)At ang mga pakikipagtalo ng asawa ay walang likat na tulo.
3 (A)Ang umiibig ng karunungan ay nagpapagalak sa kaniyang ama:(B)Nguni't ang nakikisama sa mga patutot ay sumisira ng kaniyang tinatangkilik.
15 (A)Ang pamalo at saway ay nagbibigay karunungan:Nguni't ang batang binabayaan ay humihiya sa kaniyang ina.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978