Mga Bilang 10:10
Ang Biblia (1978)
10 (A)Gayon sa kaarawan ng inyong kasayahan, at sa inyong mga takdang kapistahan, at sa mga pasimula ng inyong mga buwan, ay inyong hihipan ang mga pakakak sa ibabaw ng inyong mga handog na susunugin, at sa ibabaw ng mga hain ng inyong mga handog tungkol sa kapayapaan; at sa inyo'y magiging alaala sa harap ng inyong Dios: ako ang Panginoon ninyong Dios.
Read full chapter
1 Samuel 20:5
Ang Biblia (1978)
5 At sinabi ni David kay Jonathan, (A)Narito, bukas ay bagong buwan, at ako'y di marapat na di sumalo sa hari; nguni't bayaan mo akong yumaon upang ako'y (B)magkubli sa parang hanggang sa ikatlong araw sa paglubog ng araw.
Read full chapter
1 Cronica 23:31
Ang Biblia (1978)
31 At upang maghandog ng lahat na handog sa Panginoon na susunugin sa mga sabbath, sa mga bagong buwan, at sa mga (A)takdang kapistahan, sa bilang alinsunod sa utos tungkol sa kanila, na palagi sa harap ng Panginoon:
Read full chapter
2 Cronica 2:4
Ang Biblia (1978)
4 Narito, aking ipinagtatayo ng isang bahay ang pangalan ng Panginoon kong Dios, upang italaga sa kaniya, at upang magsunog sa harap niya ng kamangyan na may mga mainam na espesia, at maiukol sa (A)palaging tinapay na handog, at sa mga (B)handog na susunugin sa umaga at hapon, sa mga sabbath, at sa mga bagong buwan, at sa mga takdang kapistahan sa Panginoon naming Dios. Ito ang utos sa Israel magpakailan man.
Read full chapter
Esther 3:5
Ang Biblia (1978)
5 At nang makita ni Aman na si Mardocheo ay hindi yumuyukod, o gumagalang man sa kaniya, napuspos nga ng pagkapoot si Aman.
Read full chapter
Nehemias 10:33
Ang Biblia (1978)
33 (A)Ukol sa tinapay na handog, at sa palaging (B)handog na harina, at sa palaging handog na susunugin, sa mga sabbath, sa mga bagong buwan sa mga takdang (C)kapistahan, at sa mga banal na bagay at sa mga handog dahil sa kasalanan upang (D)itubos sa Israel, at sa lahat na gawain sa bahay ng aming Dios,
Read full chapter
Isaias 1:13-14
Ang Biblia (1978)
13 Huwag na kayong magdala ng mga walang kabuluhang alay; kamangyan ay karumaldumal sa akin; (A)ang bagong buwan, at ang sabbath, ang tawag ng mga kapulungan, (B)hindi ako makapagtitiis ng kasamaan at ng takdang pulong.
14 Ipinagdaramdam ng aking puso ang inyong mga bagong buwan at ang inyong mga takdang kapistahan: mga kabagabagan sa akin; ako'y patá ng pagdadala ng mga yaon.
Read full chapter
Ezekiel 45:17
Ang Biblia (1978)
17 At magiging tungkulin (A)ng prinsipe na magbigay ng mga handog na susunugin, at ng mga handog na harina, at ng mga (B)inuming handog, sa mga (C)kapistahan, at sa mga bagong (D)buwan, at sa mga sabbath, sa lahat ng takdang kapistahan ng sangbahayan ni Israel: siya'y (E)maghahanda ng handog dahil sa kasalanan, at ng handog na harina, at ng handog na susunugin, at ng mga handog tungkol sa kapayapaan, upang ipangtubos sa sangbahayan ni Israel.
Read full chapter
Ezekiel 46:6
Ang Biblia (1978)
Mga bagay tungkol sa mga handog.
6 At sa kaarawan ng bagong buwan ay isang guyang toro na walang kapintasan, at anim na batang tupa at isang lalaking tupa; mga walang kapintasan:
Read full chapter
Colosas 2:16
Ang Biblia (1978)
16 Sinoman nga ay huwag humatol sa inyo (A)tungkol sa pagkain, o sa paginom, o tungkol (B)sa kapistahan, o (C)bagong buwan o araw ng sabbath:
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978