Mateo 26:1-5
Ang Biblia, 2001
Ang Balak Laban kay Jesus(A)
26 Nang matapos ni Jesus ang lahat ng mga salitang ito ay sinabi niya sa kanyang mga alagad,
2 “Nalalaman(B) ninyo na pagkaraan ng dalawang araw ay darating ang Paskuwa, at ibibigay ang Anak ng Tao upang ipako sa krus.”
3 Pagkatapos nito ang mga punong pari at ang matatanda sa bayan ay nagkatipon sa palasyo ng pinakapunong pari, na tinatawag na Caifas.
4 At sila'y nagsabwatan upang hulihin si Jesus sa pamamagitan ng daya, at patayin siya.
5 Ngunit sinabi nila, “Huwag sa kapistahan, baka magkagulo ang mga taong-bayan.”
Read full chapter
Marcos 14:1-2
Ang Biblia, 2001
Ang Balak Laban kay Jesus(A)
14 Dalawang(B) araw noon bago ang Paskuwa at ang kapistahan ng Tinapay na Walang Pampaalsa. Pinag-iisipan ng mga punong pari at ng mga eskriba kung paano huhulihin siya nang patago at siya'y maipapatay.
2 Sapagkat sinabi nila, “Huwag sa kapistahan, baka magkagulo ang taong-bayan.”
Read full chapter
Lucas 22:1-2
Ang Biblia, 2001
Ang Pakana Laban kay Jesus(A)
22 Ang(B) pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa, na tinatawag na Paskuwa, ay papalapit na.
2 Naghahanap ng paraan ang mga punong pari at ang mga eskriba kung paano nila maipapapatay si Jesus[a] sapagkat natatakot sila sa mga tao.
Read full chapterFootnotes
- Lucas 22:2 Sa Griyego ay siya .