Mateo 17:5
Ang Biblia (1978)
5 Samantalang nagsasalita pa siya, (A)narito, ang isang maningning na alapaap ay lumilim sa kanila: at narito, ang isang tinig na mula sa alapaap, na nagsasabi, (B)Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong kinalulugdan; siya ang inyong pakinggan.
Read full chapter
Marcos 9:7
Ang Biblia (1978)
7 At dumating ang isang alapaap na sa kanila'y lumilim: at may isang tinig na nanggaling sa alapaap, Ito ang sinisinta kong Anak; siya ang inyong pakinggan.
Read full chapter
Lucas 9:35
Ang Biblia (1978)
35 At may tinig na nanggaling sa alapaap, na nagsasabi, Ito ang aking Anak, ang aking hirang: siya ang inyong pakinggan.
Read full chapter
2 Pedro 1:17
Ang Biblia (1978)
17 Sapagka't siya'y tumanggap sa Dios Ama ng (A)karangalan at kaluwalhatian, nang dumating sa kaniya ang isang tinig mula sa Marangal na Kaluwalhatian, (B)Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong kinalulugdan:
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978