Marcos 4:30-32
Ang Biblia (1978)
30 At kaniyang sinabi, (A)Sa ano natin itutulad ang kaharian ng Dios? o sa anong talinghaga isasaysay natin ito?
31 Ito'y tulad sa butil ng binhi ng mostasa, na pagkahasik sa lupa, bagama't siyang lalong pinakamaliit sa lahat ng mga binhi na nangasa lupa,
32 Gayon ma'y pagkatanim, ay tumataas, at lumalaki (B)ng higit kay sa lahat ng mga gulay, at nagsasanga ng malalabay; ano pa't ang mga ibon sa langit ay mangakasisilong sa kaniyang lilim.
Read full chapter
Lucas 13:18-19
Ang Biblia (1978)
18 Sinabi nga niya, (A)Sa ano tulad ang kaharian ng Dios? at sa ano ko itutulad?
19 Tulad sa isang butil ng mostasa na kinuha ng isang tao, at inihagis sa kaniyang sariling halamanan; at ito'y sumibol, at naging isang punong kahoy; at humapon sa mga sanga nito ang mga ibon sa langit.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978