Marcos 12:43-44
Ang Biblia (1978)
43 At pinalapit niya sa kaniya ang kaniyang mga alagad, at sinabi sa kanila, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang dukhang baong babaing ito, ay naghulog ng higit kay sa lahat ng nangaghuhulog sa kabang-yaman:
44 Sapagka't silang lahat ay nagsipaghulog ng sa kanila'y labis; datapuwa't siya sa kaniyang kasalatan ay inihulog ang buong nasa kaniya, sa makatuwid baga'y ang buong kaniyang ikabubuhay.
Read full chapter
Lucas 21:3
Ang Biblia (1978)
3 At sinabi niya, Sa katotohana'y sinasabi ko sa inyo, Ang dukhang babaing baong ito ay naghulog ng higit kay sa kanilang lahat.
Read full chapter
2 Corinto 9:7
Ang Biblia (1978)
7 Magbigay ang bawa't isa ayon sa ipinasiya ng kaniyang puso: huwag (A)mabigat sa loob, o dahil sa kailangan: sapagka't iniibig ng Dios ang nagbibigay na masaya.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978