Jeremias 7:34
Ang Biblia, 2001
34 At(A) aking patitigilin sa mga lunsod ng Juda at sa mga lansangan ng Jerusalem ang tinig ng pagsasaya at ang tinig ng katuwaan, ang tinig ng lalaking ikakasal at ang tinig ng babaing ikakasal, sapagkat ang lupain ay mawawasak.
Read full chapter
Jeremias 16:9
Ang Biblia, 2001
9 Sapagkat(A) ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Diyos ng Israel: Aking patitigilin sa lugar na ito, sa harapan ng inyong mga mata at sa inyong mga araw, ang tinig ng katuwaan at kasayahan, ang mga tinig ng lalaking ikakasal at ng babaing ikakasal.
Read full chapter
Apocalipsis 18:22-23
Ang Biblia, 2001
22 At(A) (B) ang tunog ng mga manunugtog ng alpa at ng mga musikero at ng mga manunugtog ng plauta, at ng mga manunugtog ng trumpeta
ay hindi na maririnig pa sa iyo;
at wala nang manggagawa ng anumang gawa
ang matatagpuan pa sa iyo;
at ang ingay ng gilingan
ay hindi na maririnig pa sa iyo;
23 at ang liwanag ng ilawan
ay hindi na tatanglaw pa sa iyo
at ang tinig ng lalaking ikakasal at ng babaing ikakasal
ay hindi na maririnig pa sa iyo;
sapagkat ang mga mangangalakal mo ay dating mga pangunahin sa lupa;
sapagkat dinaya ng iyong pangkukulam ang lahat ng mga bansa.