Jeremias 7:16
Ang Biblia (1978)
Ang sumusunod sa idolatria ay parurusahan.
16 Kaya't (A)huwag mong idalangin ang bayang ito, ni palakasin man ang daing patungkol sa kanila ni dalangin man, o mamagitan man ikaw sa akin; sapagka't hindi kita didinggin.
Read full chapter
Jeremias 14:11
Ang Biblia (1978)
11 At sinabi ng Panginoon sa akin, (A)Huwag mong idalangin ang bayang ito sa kanilang ikabubuti.
Read full chapter
Ezekiel 14:14
Ang Biblia (1978)
14 Bagaman ang tatlong lalaking ito, na si (A)Noe, si (B)Daniel at si Job, ay nangandoon, ang kanila lamang ililigtas ay ang kanilang sariling mga kaluluwa, sa pamamagitan ng kanilang katuwiran, sabi ng Panginoong Dios.
Read full chapter
Ezekiel 14:18
Ang Biblia (1978)
18 Bagaman ang tatlong lalaking ito ay nangandoon, buháy ako, sabi ng Panginoong Dios, sila'y hindi mangagliligtas ng mga anak na lalake o babae man, kundi sila lamang ang maliligtas.
Read full chapter
Ezekiel 18:20
Ang Biblia (1978)
20 (A)Ang kaluluwa na nagkakasala, mamamatay: (B)ang anak ay hindi magdadanas ng kasamaan ng ama, o magdadanas man ang ama ng kasamaan ng anak; (C)ang katuwiran ng matuwid ay sasa kaniya, at ang kasamaan ng masama ay sasa kaniya.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978